Faith Da Silva
TV

Faith Da Silva, ramdam ang matinding pressure sa kanyang unang lead role sa 'Las Hermanas'

By Aimee Anoc
"This is my first project na lead talaga ako. Grabe 'yung pressure para sa akin before going in." - Faith Da Silva

Inamin ni Kapuso actress Faith Da Silva na nakaramdam siya ng matinding pressure para sa kanyang kauna-unahang lead role sa GMA series na Las Hermanas.

Sa press interview, ibinahagi ni Faith na nakaramdam siya ng pangamba sa lock-in taping dahil sanay siya na palaging kasama ang kanyang pamilya.

"This is my first project na lead talaga ako. Grabe 'yung pressure para sa akin before going in. But I am very grateful to Yasmien and Thea na kahit na naka-quarantine pa lang kami sa hotel, nagbi-video call kaming tatlo just to check if everybody is doing fine kasi malayo kami sa mga pamilya namin," pagbabahagi ni Faith.

"Habang tumatagal nang tumatagal 'yung taping namin nawala sa isip ko 'yung [pangamba] kasi naramdaman ko na with Las Hermanas nagkaroon ako ng pamilya," dagdag niya.

Sa Las Hermanas, gagampanan ni Faith ang karakter ni Scarlet Manansala, and bunso na bibo, fashion-conscious, at nangangarap na maging isang influencer.

Ilan pa sa makakasama niya sa serye ay sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Albert Martinez, Jason Abalos, Rita Avila, Leandro Baldemor, Jennica Garcia, Lucho Ayala, Madeline Nicolas, Rubi Rubi, at Melissa Mendez.

Abangan ang world premiere ng Las Hermanas sa October 25 sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, mas kilalanin ang Las Hermanas cast sa gallery na ito:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.