GMA Logo Faith Da Silva and Albert Martinez
What's on TV

Albert Martinez reacts to TikTok video with Faith Da Silva

By Aimee Anoc
Published October 20, 2021 12:34 PM PHT
Updated October 20, 2021 5:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Faith Da Silva and Albert Martinez


Nagpaliwanag si Albert Martinez tungkol sa pinag-uusapang TikTok video nila ni Faith Da Silva.

Nagbigay ng pahayag si Albert Martinez tungkol sa pinag-uusapang TikTok video ni Faith Da Silva kung saan nakita siyang nasa background habang sumasayaw ang aktres.

@faithdasilva29 #fyp ♬ Bundles - Tik Toker

Sa panayam sa kanya ni Lhar Santiago sa Unang Hirit, sinabi ni Albert na nagkataon lamang na nasa waiting area siya noon habang gumagawa ng TikTok video si Faith.

"Sa TikTok, that was, I believe an incidental situation. Nasa waiting area ako noon e, and I was there," paliwanag ng batikang aktor.

"Apparently si Faith was doing her 'much-talked' about TikTok, at napasama ako roon," dagdag ni Albert, na hindi maiwasang maiugnay kay Faith, na co-star niya sa GMA series na Las Hermanas.

Una nang nagbigay ng pahayag si Faith tungkol sa usapin na nagkakamabutihan umano sila ni Albert.

"Nagulat ako because nu'ng nakita ko 'yung news na 'yon, nu'ng nabasa ko, ongoing pa 'yung lock-in taping namin. So nagulat ako. But it's not like I didn't expect it, kasi with our roles, magiging partner ko siya," sabi ng aktres.

"Siguro nakita ng mga tao na we're comfortable with each other," dagdag niya.

Ayon din kay Faith, napag-usapan na nila ni Albert ang naturang isyu.

"Napag-usapan namin pero in passing lang. Hindi siya 'yung seryosohan talaga. Parang pinagbibiruan-biruan lang namin. Tuksu-tuksuhan lang," paliwanag ng aktres.

Sa Las Hermanas, gagampanan ni Albert ang karakter ni Lorenzo, ang guwapo, mayaman, at misteryosong businessman na magugustuhan ni Scarlet, na ginagampanan naman ni Faith.

Ilan pa sa makakasama nila sa serye ay sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Jason Abalos, Rita Avila, Leandro Baldemor, Jennica Garcia, Lucho Ayala, Madeline Nicolas, Rubi Rubi, at Melissa Mendez.

Abangan ang world premiere ng Las Hermanas sa October 25 sa GMA Afternoon Prime.

Panoorin ang buong report sa Unang Hirit:

Samantala, kilalanin ang Las Hermanas cast sa gallery na ito: