Jennica Garcia opens up about her mental state during lock-in taping in 'Las Hermanas'
Inamin ni Jennica Garcia na hindi madaling mawalay sa kanyang dalawang anak na sina Athena Mori at Alessi lalo na kapag sasalang sa lock-in taping.
Sa press interview noong October 15, ibinahagi ni Jennica ang mental state nito habang nasa lock-in taping ng GMA series na Las Hermanas.
"'Yung time ko with Las Hermanas I am really at my most relax state kasi itong Las Hermanas ramdam na ramdam ko na ibinigay siya sa akin ng Panginoon," pagbabahagi ni Jennica.
"I really know that God placed me in this show for a reason. It goes way beyond earning money, getting a job, going back to showbiz. I didn't realize that I needed some time off as a mother," dagdag niya.
Ayon sa aktres, may magandang naidulot sa kanya ang lock-in taping lalo na't nagkaroon siya ng panahon para sa sarili.
"Don't get me wrong, I really really love my children but 'yung mga moments ko kasi doon sa quarantine area, sa specific room namin is very therapeutic for me. I didn't realize that I needed some time to be alone without feeling the guilt that I am leaving my children behind.
"Kasi po tinry ko one time na pinakuha ko po sa papa ko 'yung mga anak ko so I have the entire day with myself, pero hindi ako na-relax kasi iniisip ko kung kumain ba sila, naligo ba, nag-toothbrush ba nang maayos. And I felt bad," paliwanag niya.
Bukod sa nagkaroon ng oras para sa sarili, panatag si Jennica dahil pagkatapos ng taping ay may perang maiuuwi para sa pangangailangan ng dalawang anak.
"Pero nu'ng nandoon ako sa Las Hermanas, wala akong ganoong guilt feeling kasi alam ko pag-uwi ko may dala akong pera. Pag-uwi ko, I'll be able to treat the kids with the things that they like, with the food that goes beyond what we eat on a daily basis," kuwento niya.
Sobrang nagpapasalamat din si Jennica sa mga nakatrabaho niya sa Las Hermanas na tumulong at nagbigay inspirasyon sa kanya. "It really also helped that the production and derek Monti strictly followed the protocols. We will really be able to get the sleep that we needed, the rest that we needed. Finish or not, talagang magpa-pack up po 'yan kapag tapos na 'yung oras.”
"And then, nandoon din kasi si kuya Erwin, si ate Mayang, si derek Patrick. Nagkaroon na rin ako ng ate with Miss Camille, and derek Monti is also so nice to me. Thank you so much and respect po talaga for our production," pagtatapos ng aktres.
Abangan ang world premiere ng Las Hermanas sa October 25 sa GMA Afternoon Prime.
Mas kilalanin pa ang Las Hermanas cast sa gallery na ito: