Faith Da Silva, ikinuwento kung paano nakapagtapos ng senior high school habang nagtatrabaho
Kahit na abala sa pagiging isang artista, sinisiguro ni Faith Da Silva na hindi niya napapabayaan ang kanyang pag-aaral.
Kamakailan lamang nang magtapos sa senior high school si Faith, at malaki ang pasasalamat ng aktres sa kanyang mga naging guro na tumulong at umunawa sa kanya para makapagtapos.
"Napakahirap para sa akin na pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista. Kasi nu'ng nag-start ako sa Starstruck napatigil ako [sa pag-aaral] for a year," pagbabahagi ni Faith.
"Then ang mangyayari is babalik ulit ako ng school kasi gusto ko po na regular school talaga para mas tutok at nandoon talaga ako sa klase. At ma-experience ko 'yung class, 'yung may mga kaklase kasi ang saya nu'ng ganoong feeling. Mayroon kang teachers at alam mo 'yung mga activities sa school," dagdag niya.
Ayon kay Faith, nagtapos siya sa pamamagitan ng Alternative Learning System ng Department of Education.
"Pero since with my work, mahirap na ganoon 'yung sitwasyon, under DepEd po ako na nag-graduate ng senior high school Alternative Learning System.”
"'Yung mga teachers ko naman po which is si Ms. Anj na napaka-understanding, ang ginagawa po namin is modular. Kahit before pa po ito ng pandemic, sini-send po nila sa akin ang mga modules and then sinasagutan ko lang siya. Kapag mayroon po akong free time, kapag wala po akong trabaho doon po ako pumupunta sa school," kwento ng aktres.
Sa interview, sinabi ni Faith na nais niyang tuparin ang kahilingan ng kanyang lolo at lola na makapagtapos ng pag-aaral.
"Masaya po kasi sa akin na mag-aral. I like learning things. Marami po akong plano sa future and I think ang pagtatapos ko po sa senior high was a really really big achievement for me,” ayon sa kanya.
"I know na nagtatrabaho po ako ngayon pero iba pa rin po talaga kapag nakapagtapos. Iyon din po ang bilin sa akin ng lola ko at lolo ko na kahit na nagtatrabaho ako sana matapos ko 'yung pag-aaral ko," pagtatapos ni Faith.
Samantala, gaganap si Faith bilang ang bunsong si Scarlet sa GMA upcoming series na Las Hermanas. Makakasama niya rito sina Yasmien Kurdi bilang si Dorothy at Thea Tolentino bilang si Minnie.
Abangan ang world premiere ng Las Hermanas sa October 25 sa GMA.
Samantala, mas kilalanin pa ang Las Hermanas cast sa gallery na ito: