Filtered By: TV
la dona on GTV
TV

Mexican telenovela na 'La Doña,' mamaya na sa GTV

By Bong Godinez
Updated On: August 13, 2021, 12:28 PM
Panoorin ang pagsisimula ng 'La Doña' ngayong hapon, 3 p.m.

Make way for Altagracia!

Simula ngayong araw ay makikilala na natin ang misteryosa at palaban na bida sa pinakabagong Mexican telenovela ng GTV, ang La Doña.

Hango sa 1929 na nobela ng Venezuelan writer na si Rómulo Gallego, ang La Doña ay pinaghalong crime thriller, drama, at romance na tiyak na magpapainit sa ating hapon.

Ang La Doña ay kuwento ni Altagracia, isang negosyante na nais ipaghiganti ang pang-aabuso na sinapit niya sa kamay ng limang kalalakihan. Ito rin ang naging sanhi ng pagpanaw ng kanyang nobyo at magulang.

Sa kanyang paghahanap ng paraan para makaganti ay makikilala niya si Saul, ang makisig na abogado na muling magpapatibok ng kanyang puso.

Subalit bukod kay Altagracia ay may isa pang babaeng umaagaw sa atensyon ni Saul. Ito ay si Monica, na may kaugnayan din sa mapait na nakaraan ni Altagracia.

Ano ang relasyon ni Altagracia kay Monica? Ano ang mapait na pinagdaanan ni Altagracia na nagpatigas sa kanyang kalooban? Makuha kaya niya ang hustisya? Magawa kaya niyang makapaghigante?

Huwag palampasin ang pagsisimula ng La Doña ngayong hapon, August 9, 3 p.m.

Mapapanood ang La Doña Lunes hanggang Biyernes 3 p.m. at Sabado 4:30 p.m.

May replay din tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m. at Biyernes 11 p.m.

Samantala, kilalanin ang cast ng La Doña sa gallery na ito:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.