Knorr Nutri-Sarap Kitchen
Photo source: Knorr Nutri-Sarap Kitchen
TV

RECIPE: Nutri-Sarap Paskusina Christmas Chicken Adobo Special ni Beauty Gonzalez

Updated On: November 14, 2021, 10:15 AM
This year, gagawing espesyal ni Beauty Gonzalez ang Pasko ng kanyang pamilya with her yummy Christmas Chicken Adobo.

Mga Sangkap:

1 k chicken parts
1/4 tasang toyo
5 pirasong bawang, chopped
3 kutsarang mantika
1 1/2 tasang tubig
1 pirasong Knorr Chicken Cube
3 pirasong dahon ng laurel
1 kutsaritang pamintang buo
1/8 tasang sukang puti
1 kutsaritang asukal
Optional: 30g kale or spinach

Paraan sa pagluluto:

1. Pagsamasamahin ang manok, toyo at bawang sa isang bowl. Haluin at ibabad sa loob ng isang oras.
2. Iprito ang marinated chicken. At pagkatapos ilagay na ang natitirang sabaw mula sa marinade. Isama ang bawang. Dagdagan ng tubig at pakuluin.
3. Ilagay ang Knorr Chicken Cube, tuyong dahon ng laurel at pamintang buo. Hayaang kumulo sa loob ng 30 minuto o hanggang sa lumambot na ang manok.
4. Ilagay ang suka, haluin at lutuin pa ng mga 10 minuto.
5. Ilagay ang asukal.
6. Ihain na may kasamang kanin.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.