RECIPE: Nutri-Sarap Christmas Fried Chicken and Crab and Corn Soup
Mga Sangkap:
Para sa marinade:
- ½ kg chicken parts
- 1 kutsarang Knorr Liquid Seasoning
- 1 kutsaritang pamintang durog
- ¼ tasang all-purpose flour
- ¼ tasang cornstarch
- 2 tasang mantika, pang-prito
Para sa glaze:
- 2 kutsarang oyster sauce
- ¼ tasang Knorr Liquid Seasoning
- 1 kutsaritang chili sauce
- 2 kutsaritang puting asukal
- ¼ kutsaritang sesame oil
- pampalapot (2 kutsarang cornstarch na tinunaw sa 2 kutsarang tubig)
- 1 kutsaritang toasted sesame seeds, pang-garnish
- 1 kutsaritang spring onions, pang-garnish
Para sa soup:
- 1 pack Knorr Crab and Corn Soup
- 4 tasang tubig
- 1 pirasong itlog
Photo source: Knorr Nutri-Sarap Kitchen
Paraan sa pagluluto:
Pag-marinate at pag-prito ng manok
- Lagyan ng Knorr Liquid Seasoning at paminta ang chicken parts. Hayaang mababad ito ng 10 minuto.
- Pagulungin ang binabad na manok sa pinaghalong harina at cornstarch hanggang sa mabalot ito.
- Ilagay sa chiller bago ito iprito.
Glaze:
- Sa isang saucepan, pagsamasamahin ang oyster sauce, Knorr Liquid Seasoning, chili sauce, puting asukal at sesame oil. Pakuluin.
- Dahan dahang lagyan ng pampalapot na gawa sa pinaghalong cornstarch at tubig. Hayaang kumulo. Alisin sa apoy.
- Ilagay ang pritong manok, hanggang sa mabalot ito ng glaze.
- Ihain kasama ang Knorr Crab and Corn Soup.
Soup
- Tunawin ang isang paketeng Knorr Crab and Corn Soup sa 4 na tasang tubig. Haluin mabuti hanggang sa matunaw ito.
- Pakuluin habang patuloy sa paghahalo ang Crab and Corn Soup mixture.
- Takpan at hayaang kumulo sa loob ng limang minuto. Haluin paminsan-minsan.
- Lagyan ng isang itlog at haluin ito gamit ang tinidor.
- Alisin sa apoy at ihain kasabay ng Fried Chicken.