RECIPE: Nutri-Sarap Christmas Spaghetti a la Pokwang
Mga Sangkap:
- 500 g spaghetti noodles
- 1 kutsarang mantika
- 3 butil ng bawang, chopped
- 1 sibuyas, chopped
- 250 g beef giniling
- 250 g pork giniling
- 1 maliit na carrot, chopped
- 1 tasang button mushroom, sliced
- 1 piraso bell pepper, chopped
- asin at paminta
- 1 maliit na latang liver spread
- 3 tasang tomato sauce
- 1 pirasong KNORR PORK CUBE
- 1 tasang condensed milk
- ½ tasang cheese, grated
Paraan sa pagluluto:
- Lutuin ang spaghetti noodles ayon sa nakasulat sa lalagyan nito.
- Igisa ang bawang at sibuyas sa mainit na mantika. Ilagay ang beef at pork giniling.
- Kapag nag-brown na ang meat, ilagay ang mga gulay - carrots, button mushroom at bell pepper. Timplahan ng asin at paminta.
- Ilagay ang liver spread at tomato sauce. Pakuluin.
- Ilagay na ang Knorr Pork Cubes. Haluin.
- Makalipas ang ilang minuto, ilagay na rin ang condensed milk at cheese. Pakuluin sandali bago hanguin.
- Ihalo o ibuhos sa inyong nilutong spaghetti noodles.