What's on TV

Abangan sa 'Karelasyon': Poser, paghihiganti sa ngalan ng pag-ibig

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 29, 2020 11:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Pagbibidahan ni Ruru Madrid, Ken Anderson at Sanya Lopez. Sa panulat at direksyon ni Adolf Alix, Jr.

Sa panahon ngayon, madali na ngang makipagkaibigan sa mga taong hindi mo naman personal na nakikita sa tulong ng social media. Ngunit naglipana rin sa social media ang mga tinatawag na “posers” o internet users na nagpapanggap bilang ibang tao.

Ganito si Marvin, isang matalino ngunit mahiyaing estudyante. Pero ang kanyang pagpapanggap ay hindi para magkaroon ng kaibigan kung hindi para gumanti sa kanyang mga kaklase.

Ang nais lamang ni Marvin (Ruru Madrid) ay mapabilang sa swim team ng kanyang paaralan at maging bahagi ng grupong kanyang hinahangaan, ang grupo ni Seth (Ken Anderson). Nang mabalitaan niyang nakapasa na siya sa trials ng team, buong akala ni Marvin ay pasok na siya sa grupo. Ngunit ang totoo nito, pinaglaruan at pinag-tripan lang pala siya.

At ang masakit pa sa lahat, pinag-tripan din ng grupo nina Seth si Aby (Sanya Lopez), ang tanging babaeng espesyal para kay Marvin. Kaya upang makaganti, nagpanggap siya bilang isang sexy at magandang babae sa isang online site para mabighani at ma-blackmail niya ang grupong umapi sa kanya.

Ito nga ba ang tamang paraan upang maka-ganti si Marvin sa mga nagmaliit sa kanya? Sapat ba itong kaparusahan para kina Seth na siyang unang naman gumawa ng kalokohan? Ano naman kaya ang kahihinatnan ng paghihiganti ni Marvin? Pati rin ba siya ay mapapahamak sa panglolokong kanyang ginagawa?

Ito ang mainit na kuwentong dapat ninyong subaybayan ngayon Sabado sa Karelasyon. Pagbibidahan ni Ruru Madrid, Ken Anderson at Sanya Lopez. Sa panulat at direksyon ni Adolf Alix, Jr.

Mapapanood ang Karelasyon kasama si Ms. Carla Abellana tuwing Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA-7.