
Sa pakikipagkulitan ni Paul Salas sa Kapuso ArtisTambayan, inamin niya na "dream role" niya ang kaniyang character sa Kara Mia na si Chino.
Kilalang maldito si Chino dahil palagi nitong inaaway si Kara noon kaya tinanong si Paul kung ano ang masasabi niya rito.
"Dream role ko 'yan kasi sa lahat ng naging roles ko, parang ano ako, mabait-bait ganyan, inaapi," sagot ni Paul.
"So itong role na 'to, pinag-aralan ko tapos na-enjoy ko naman at parang bago naman sa mga ginagawa ko.
"So parang sa lahat ng mga naging role ko, ito na 'yung favorite ko."
Panoorin ang buong pakikipagkulitan ni Paul kasama ang co-star na si Jak Roberto, sa Kapuso ArtisTambayan:
Patuloy na tutukan ang kakaibang istorya ng Kara Mia, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.