TV

READ: Sanya Lopez, all-out support sa 'Kara Mia'

By Cara Emmeline Garcia
Updated On: March 11, 2019, 04:02 PM
Busy man sa kanyang schedule, binibigyan pa rin ng time ni Kapuso star Sanya Lopez na mapanood ang kanyang kuya na si Jak Roberto sa GMA Telebabad soap na 'Kara Mia.'

Busy man sa kanyang schedule, binibigyan pa rin ng time ni Kapuso star Sanya Lopez na mapanood ang kanyang kuya na si Jak Roberto sa GMA Telebabad soap na Kara Mia.

Sanya Lopez
Sanya Lopez

Sa isang exclusive interview with GMANetwork.com, ikinuwento ni Sanya ang kanyang reaksyon sa series.

“Natutuwa ako dahil before pa pinapalabas yung Kara Mia, marami ng memes.”

Kuwento pa ng former Cain at Abel star, nagagalak siya sa plot ng serye dahil hinaluan ito ng kaunting comedy.

“Every time napapanood ko yung Kara Mia, ang cute kasi mas light na sila. Na hindi porket drama to, drama lang talaga.”

Dagdag pa niya, “Mas natutuwa ako kasi hinaluan nila ng comedy, para at least mas magaan panoorin at mas ma-enjoy ng viewers natin.”

Mapapanood sina Barbie Forteza, Jak Roberto, Mika Dela Cruz at Paul Salas sa Kara Mia, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras.

Sanya Lopez on dating: “Never pa akong nagka-boyfriend”

5 qualities ng ideal man ni Sanya Lopez

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.