WATCH: Cast ng 'Kara Mia,' nag-react sa viral memes
Patuloy na nag-iingay sa social media ang bagong Kapuso show na Kara Mia.
Dahil sa patuloy na pagiging viral ng Kara Mia ay nagbigay ng reaksyon ang mga Kapuso stars na bahagi nito na sina Barbie Forteza, Mika dela Cruz, Jak Roberto at Paul Salas.
Ani ni Mika ay natutuwa siya sa creativity ng mga netizen. "Nakakaaliw eh. Napakatataba ng utak. Ang creative!"
Si Jak naman ay nagpasalamat dahil nabibigyan silang inspirasyon sa mga memes tungkol sa Kara Mia.
"Actually nagkakaroon kami ng idea sa inyo. Sa soap namin hindi naman kailangan na laging drama. Kailangan din ng light moments. So dahil sa mga sini-send ninyo, pwede kaming magka-idea diyan, so maraming maraming salamat."
Si Paul Salas ay nag-react sa 1.4 million views ng Kara Mia teaser na nakuha within 24 hours. "Sana next week maging ano na 'yan, 5 million."
Ang Kapuso actress na si Barbie ay umaasang parehong suporta ang kanilang matanggap sa nalalapit na pag-ere ng Kara Mia.
"Sana 'pag ipinalabas na kami, ganun rin."