WATCH: Miguel Tanfelix, nagpamalas ng ilang magic tricks gamit ang baraha
Bata pa lang daw si Kapuso actor Miguel Tanfelix, mahilig na siya sa magic. Karamihan daw ng tricks na natutunan niya ay mula sa internet.
"Sinca bata pa 'ko nito eh, talagang nanonood ako sa Internet ng kung ano-anong videos. Minsan bumibili pa 'ko ng mga magic cards. 'Yung mga cards na may daya, bumibili ako noon before," bahagi niya sa isang exclusive webisode mula sa GMANetwork.com.
Card tricks daw ang napili niyang pag-aralan dahil maraming very accessible raw dito.
"Ito 'yung pinaka basic sa lahat eh. Kumbaga, kahit saan ka magpunta pwede kang bumili ng cards. 'Yun 'yung pinakamarami kang pwedeng gawin na magic--sa isang deck ng cards," aniya.
Panoorin ang kanyang magic tricks sa online exclusive video na ito: