
Magsasama-sama ang mga kalaban ng GMA Prime shows na Pulang Araw, Widows' War, at Asawa Ng Asawa Ko sa Kapuso Stream mamaya, September 9.
Sa Pulang Araw, makikipagkuwentuhan sina Angelu de Leon, Neil Ryan Sese, at Jay Ortega sa mga nakatutok sa Kapuso Stream.
Ginagampanan ng tatlo sina Carmela Borromeo, Lauro Torres, at Akio Watanabe, tatlong kinaiinisan ng mga manonood ng Pulang Araw.
Sa Widows' War, pag-uusapan nina Tonton Gutierrez, Jackielou Blanco, Lovely Rivero, at Brent Valdez ang patayan na nangyayari sa kanilang programa.
Ginagampanan ng apat sina Galvan Palacios, Ruth Balay, Vivian Trano, at Peter.
Sa Asawa Ng Asawa Ko, ang mga kontrabidang sina Liezel Lopez at Kylie Padilla ang makikipagkuwentuhan sa mga tumututok sa kanilang programa.
Ginagampanan ng dalawa sina Shaira, ang asawa ni Jordan (Rayver Cruz), at Hannah, ang dating asawa ng kapatid ni Shaira na si Leon (Joem Bascon).
Kilalanin ang kalaban sa Pulang Araw, Widows' War, at Asawa Ng Asawa Ko!
Panoorin ang GMA Prime simula 8:00 P.M. sa GMA at Kapuso Stream.