Mauie Francisco
TV

'The Clash' alumna Mauie Francisco, may payo sa aspiring Clashers

By Jansen Ramos
Tip ni Mauie Francisco sa susunod na batch ng 'The Clash' contestants: 'Don't be afraid na ipakita 'yung uniqueness mo as a singer. 'Di mo kailangan makipagsabayan sa mga bumibirit, 'di mo kailangan makipagsabayan sa kung ano ang uso.'

Nakipagkuwentuhan online ang ilang graduates ng GMA musical competition na The Clash sa Kapuso ArtisTambayan (KAT) noong November 29.

Ito ay para i-promote ang bagong season ng TV singing contest na ipapalabas sa 2023.

Live na nakasama ng KAT host na si Kapuso comedian Betong Sumaya si Mel Caluag mula season one, Jeremiah Tiangco mula season two, at Mauie Francisco mula season four via video conferencing na napanood sa Facebook page ng The Clash.

Fresh pa kay Mauie ang kanyang experience sa The Clash season four na ipinalabas ng weekends mula October 2 hanggang December 19, 2021. Si Mariane Osabel ang itinanghal na grand champion sa nasabing edisyon.

Para kay Mauie, ang production number nila para sa opening ng first episode The Clash ang pinaka hindi niya malilimutang karanasan sa kompetisyon.

Bahagi niya, "First time kong maramdaman 'yung tumindig 'yung balahibo ko 'tapos habang kumakanta, 'di ko makontrol, teary-eyed ako na parang sabi ko, 'totoo ba 'to? Andito 'ko' kasi as someone na hindi po sumasali ng competition, takot po talaga 'ko sumali sa contest kasi 'di naman po ako nabirit.

"So no'ng ando'n na po ako sa mismong competition, sobrang surreal 'yung feeling. Saka feeling ko ito 'yung tamang timing, tamang moment for me kasi I've joined and I've auditioned for a lot of singing competitions, eto 'yung first time ko na lalabas sa TV, kakanta ganun. Kaya iba po 'yung feeling no'ng unang episode."

Mga biritera ang mga kasabayan ni Mauie sa latest season ng The Clash pero hindi siya nagpasindak kahit pa hindi kasing taas ng boses niya ang boses ng kanyang mga kalaban.

Sa katunayan, nakaabot pa siya sa finals at hinirang na top three contestant.

Kaya tip niya sa susunod na batch ng Clashers, "Don't be afraid na ipakita 'yung uniqueness mo as a singer. 'Di mo kailangan makipagsabayan sa mga bumibirit, 'di mo kailangan makipagsabayan sa kung ano ang uso."

Dagdag ni Mauie, ginamit din daw niya ang kanyang charm para makaabot ng finals.

"Hindi s'ya basta labanan ng boses e. Labanan po siya ng strategy, ng tibay ng loob, ng lakas ng pamamapalataya."

Panoorin ang buong panayam sa Kapuso ArtisTambayan video na ito:

Patuloy na bumisita sa GMANetwork.com at sa official social media pages ng The Clash para sa iba pang updates tungkol sa bagong season ng weekly musical competition.

SAMANTALA, KILALANIN ANG REIGNING THE CLASH CHAMP NA SI MARIANE OSABEL SA GALLERY NA ITO:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.