
Ibang Bea Binene na nga ang makikita ng kanyang mga fans sa pagbabalik ng aktres sa kanyang new show, ang Kapag Nahati Ang Puso. Aniya, "For a change, different Bea [Binene] talaga. Kaya nakaka-excite po na mag-start, 'yun nga lang nakaka-pressure rin mag-start."
Ang newly signed Kapuso actress na si Sunshine Cruz naman ang magiging ina at karibal ni Bea sa upcoming GMA drama. Kuwento ni Sunshine, "'Yung mga ibang nagagampanan kong roles, very simple ako. [But] Glam [ako dito]. Pakabugan kami dito ng mga damit."
Si Benjamin Alves naman ang "pag-aagawan" ng mag-ina. Natutuwa naman ang aktor na makakatrabaho niya sina Sunshine Cruz at Bea Binene. Ika niya, "It's always nice to work with somebody new kasi we're presented with challenges."
Panoorin ang buong report sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News