
Sa episode 176 ng Kambal, Karibal, humingi ng tulong si Diego (Miguel Tanfelix) kay Crisel (Pauline Mendoza/Kyline Alcantara) upang malaman nila ang tunay na pangalan ni Black Lady (Roence Santos) para magapi ang kapangyarihan nito.
Ipinaliwanag ni Diego kay Crisel na ang masamang espiritu ang dahilan kung bakit gumagawa ng kasamaan ang dalaga.
Mamulat na kaya si Crisel sa katotohanan?
Panoorin ang mga eksenang iyan sa video sa itaas. Kapag hindi ito naglo-load nang maayos, maaaring mapanood ang episode highlights DITO.
Ang muling pagpapalabas ng Kambal, Karibal ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.
Patuloy na subaybayan ang hit 2017-18 series Lunes hanggang Huwebes, pagkatapos ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa GMA Telebabad.
Samantala, maaaring mapanood ang aired full episodes ng Kambal, Karibal at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.
Ang Kambal, Karibal ay pinagbibidahan nina Bianca Umali, Pauline Mendoza, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.
Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Christopher De Leon, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gardo Versoza, at Ms. Gloria Romero.
Kabilang din sa supporting cast ng programa sina Jeric Gonzales, Chesca Salcedo, Rafa Siguion-Reyna, Eliza Pineda, Sheree, Miggs Cuaderno, at Raquel Monteza.