
Sa Episode 168 ng Kambal, Karibal, hindi alam ni Diego (Miguel Tanfelix) ang dahilan kung bakit siya nilalayuan ni Crisan (Bianca Umali) nang magbalik ang kanyang ulirat.
Walang ideya si Diego sa tinutukoy na date ni Crisan kaya naman sa palagay ng binata ay may kinalaman si Crisel (Pauline Mendoza) sa mga nangyari sa kanya habang wala siya sa huwisyo.
Sinisi niya si Crisel at nagmakaawa naman ito. Dahil ayaw na siyang pansinin ni Diego, humiling si Crisel kay Black Lady (Roence Santos) na saniban muli ang binata para mapalapit muli sa kanya.
Panoorin ang mga eksena iyan sa video sa itaas. Kapag hindi ito naglo-load nang maayos, maaaring mapanood ang episode highlights DITO.
Ang muling pagpapalabas ng Kambal, Karibal ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.
Patuloy na subaybayan ang hit 2017-18 series Lunes hanggang Huwebes, pagkatapos ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa GMA Telebabad.
Samantala, maaaring mapanood ang aired full episodes ng Kambal, Karibal at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.
Ang Kambal, Karibal ay pinagbibidahan nina Bianca Umali, Pauline Mendoza, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.
Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Christopher De Leon, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gardo Versoza, at Ms. Gloria Romero.
Kabilang din sa supporting cast ng programa sina Jeric Gonzales, Chesca Salcedo, Rafa Siguion-Reyna, Eliza Pineda, Sheree, Miggs Cuaderno, at Raquel Monteza.