What's on TV

Panunulsol ni Black Lady kay Crisan sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos
Published September 18, 2020 12:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali and Roence Santos in Kambal Karibal


Matagumpay kayang nalason ni Black Lady ang isipan si Crisan na gumawa ng masama?

Sa episode 131 ng Kambal, Karibal, sinubukang lasunin ni Black Lady (Roence Santos) ang isipan ni Crisan (Bianca Umali) na gumawa ng kasamaan dala ng galit nito kina Raymond (Marvin Agustin) at Diego (Miguel Tanfelix).

Sinulsulan ng masamang espiritu si Crisan na agawin ang baril mula sa pulis para mapasabog ang bumaliktad na kotseng lulan ng mag-ama.

Napigilan naman ni Geraldine (Carmina Villarroel) ang kanyang anak at laking ginhawa ng dalaga nang makita niyang nakaligtas si Diego mula sa pagsabog.

Gayunpaman, hindi pa roon nagtatapos ang kalbaryo ng pamilya dahil nakatakas muli si Raymond.

Bianca Umali in Kambal Karibal


Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang aired full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.

Ang Kambal, Karibal ay pinagbibidahan nina Bianca Umali, Pauline Mendoza, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.

Gabi-gabi namang kinagigiliwan ang pagganap ng mga batikang aktor na sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Christopher De Leon, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gardo Versoza, at Ms. Gloria Romero.

Tampok din sa Kambal, Karibal sina Jeric Gonzales, Chesca Salcedo, Rafa Siguion-Reyna, Eliza Pineda, Sheree, Miggs Cuaderno, at Raquel Monteza.