TV

Pang-aapi ni Teresa kay Crisan sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos
Hindi pinalagpas ni Teresa na apihin si Crisan habang magkasama sila sa bahay ni Allan.

Sa episode 38 ng Kambal, Karibal rerun, patuloy ang pang-aalipusta ni Teresa (Jean Garcia) kay Crisan (Bianca Umali) kahit nasa loob sila ng pamamahay ni Allan (Alfred Vargas).

Minasama pa niya ang pagtulong ni Allan kay Crisan dahil tingin niya ay plinano ng dalaga na mapalapit sa kanyang nobyo.

Mapilitan kayang umalis si Crisan sa bahay ni Allan, na kanyang tunay na ama?

Balikan ang mga eksenang 'yan dito:

Muling ipinalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.


Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday sa GMANetwork.com at GMA Network app.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.