WATCH: Bianca Umali at Kyline Alcantara, nagkasagutan?
Sa April 23 episode ng Kambal, Karibal, umamin na si Cheska (Kyline Alcantara) na siya ang totoong Crisan sa kanyang mga magulang na sina Geraldine (Carmina Villarroel) at Allan (Alfred Vargas).
Pinilit ni Crisel (Bianca Umali) na isuplong na si Cheska sa mga pulis ngunit hindi maintindihan ni Geraldine ang mga pangyayari kaya pinahupa muna niya ang tensyon sa pagitan ng magkapatid.
Naniwala kaya si Geraldine sa paratang ni Crisel kay Cheska?