What's on TV

WATCH: Kyline Alcantara, masaya sa natatanggap na feedback bilang kontrabida sa 'Kambal, Karibal'

By Bea Rodriguez
Published February 21, 2018 2:36 PM PHT
Updated February 21, 2018 2:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rain over Luzon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Hinahangaan ang bagong Kapuso star na si Kyline Alcantara sa kanyang ganda at husay sa pag-arte sa GMA Telebabad soap na 'Kambal, Karibal,' isang patunay na siya ang “La Nueva Kontrabida.”
 

A post shared by Kyline Alcantara (@itskylinealcantara) on

 

Hinahangaan ang bagong Kapuso star na si Kyline Alcantara sa kanyang ganda at husay sa pag-arte sa GMA Telebabad soap na Kambal, Karibal, patunay na siya ang “La Nueva Kontrabida.”

“I’m so happy and proud na maging part po ng production ng Kambal, Karibal kasi isa po kami sa mga top-rating show,” pagmamalaki ng 15-year-old kontrabida na bukod sa telebisyon ay sumasabak rin sa teatro.

Tinitiyak ng young actress na ibinibigay niya ang kanyang best sa bawat eksena. Dahil dito, mainit ang pagtanggap sa kanya sa Kapuso network kahit kontrabida ang kanyang role.

“Shocked pa rin po, and excited. Matagal ko po kasi ‘tong pinag-pray and pinaghirapan, and hinding-hindi ko po ‘to ibabaliwala lang,” sambit niya sa panayam ni Lhar Santiago sa Unang Hirit.

Nagpapasalamat si Kyline sa mga oportunidad na ibinibigay sa kanya, “Ngayon po kasi, biglaan dumating ‘yung blessings sa akin. Siyempre, nagulat po ako, and I feel so flattered.”