READ: Kyline Alcantara, nag-enjoy sabunutan si Bianca Umali
Umiinit ang mga tagpo sa pagitan nina Crisanta at Cheska sa GMA Telebabad soap na Kambal, Karibal.
Ginagampanan ng Kapuso teen star na si Kyline Alcantara ang karakter ni Cheska na siyang humahadlang sa kaligayahan ni Crisanta.
Ex-Kapamilya Kyline Alcantara on first Kapuso role: "Pinaghirapan"
Aniya, masaya siya dahil nakakatanggap sila ng mga magagandang komento mula sa mga sumusubaybay sa show.
“Happy po kasi ‘yun nga po ‘yung naging reaksyon ng tao. I’m sure naman po ‘di naman sila madi-disappoint,” bahagi ni Kyline.
Noong Miyerkules, December 20, nagpatikim na ang kanyang karakter na si Cheska ng galit kay Crisanta dahil iniisip niyang inaagaw nito si Diego sa kanya.
Kambal, Karibal: Patikim ni Cheska | Episode 18
Ayon sa aktres, asahan pa raw ang mas mabibigat pang mga eksena sa pagitan nilang dalawa. Isa na riyan ang pagbuhos niya ng juice at pagsabunot kay Bianca Umali na kung saan in-enjoy pa niya.
“Kinausap ko po si Bianca. Sabi nya, ok lang [na buhusan ko siya ng juice at sabunutan] para maging maganda po ‘yung outcome ng eksena. So, parang sabi ko, basta gagawin kong makatotohanan pero syempre po meron pa ring control. And ‘yun po, naging maganda naman po ‘yung outcome ng eksena and sana po ma-appreciate po nila. Nag-enjoy po kaming lahat sa scene,” kuwento niya.
Hindi naman naiwasang itanong kung nagtampo ba sa kanya ang love team ni Bianca na si Miguel Tanfelix dahil nadala siya sa eksena.
Sambit niya, “Hindi naman po. Pero kinausap ko po si Miguel. Sabi ko nasaktan ko ‘yung Bianca mo. Sabi n’ya okay lang naman ‘yun basta para sa eksena.”
Abangan ang mga maiinit na eksenang iyan sa Kambal, Karibal mamaya na pagkatapos ng Super Ma’am sa GMA Telebabad.