Geoff Eigenmann: 'I only want to get married once'
Published On: February 11, 2015, 04:32 PM
Updated On: March 16, 2020, 01:39 AM
Ito ang pananaw ng 'Kailan Ba Tama Ang Mali?' star tungkol sa kasal.
By MARAH RUIZ

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Kasisimula pa lang ng pinakabagong GMA Afternoon Prime drama seryeng Kailan Ba Tama Ang Mali? kaya nasa kolehiyo pa ang mga karakter nina Geoff Eigenmann, Max Collins at Empress Schuck. Ngunit sa pag-usad ng istorya, magsisitandaan din ang kanilang mga karaketer at magiging mas kumplikado ang kanilang mga problema.
Simula na ba ito ng mas mature na roles para sa leading man na si Geoff Eigenmann?
"I guess! I'm not getting any younger. I'm getting older, getting more mature," nakangiting pahayag ni Geoff sa launch ng 'Kailan Ba Tama Ang Mali?'
"The roles that come along with it should be more mature, kasi hindi naman puwedeng laging pa-sweetums teen," dagdag pa nito.
Masaya naman daw si Geoff dahil umaayon sa timing ang mga pinipiling roles para sa kanya ng kanyang management.
"Yeah! 'Yung mga projects na binibigay sa 'kin ng management ang nag-de-decide which shows are perfect for the actors. We put our complete trust in them," wika nito.
Naka-kontrata si Geoff sa PPL Entertainment ni Perry Lansigan.
Samantala, dahil sa patanong na pamagat ng bagong serye nila, laging naibabato sa cast ang tanong: Kailan ba tama ang mali para kay Geoff?
"Basta walang nasasaktan, nag-e-enjoy ka kung anumang ginagawa mo, whether it be work or relationships or kung anuman 'yan. Basta wala kayong nasasaktan, and you're enjoying life and the end of things, no regrets," sagot nito.
Gaganap si Geoff bilang Leo sa sa Kailan Ba Tama Ang Mali? Ano naman ang masasabi niya tungkol sa mga haharapin ng karakter niya.
"For me, marriage is sacred. I only want to get married once. Kapag married na 'yung isang tao, stay away na," ani Geoff.
Panoorin si Geoff sa Kailan Ba Tama Ang Mali?, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Yagit, sa GMA Afternoon Prime.
Comments