Suzette Doctolero, may mild autism noong kabataan niya?
Sa pagbisita ni Suzette Doctolero sa Just In ay inamin niyang siya ay diagnosed with autism at pati na rin ang kanyang adopted son.
Ikinuwento niya kay Just In host Paolo Contis kung paano niya nalaman na siya ay may autism at ano ang mga napansin niya na pagkakapareho nila ng anak.
PHOTO SOURCE: Sparkle GMA Artist Center
Unang inamin ng kilalang series writer ng GMA Network na ang anak niya ay adopted. Ani Suzette, "Siya ay 16 years old now. Ang pagiging mother ay hindi by birth, siya ay aking adopted son."
Sunod na inilahad ni Suzette ay nakaka-relate sila sa isa't isa dahil pareho silang diagnosed ng autism.
"Siya ay may autism. In a way, ako ay may mild autism din, so naka-relate ako."
Ayon kay Suzette, noong kabataan niya ay wala pa masyadong nakakaalam ng autism. Dahil dito, hindi nila lubos na naintindihan ang kanyang mga ginagawa.
"At that time 'yung sa akin, noong bata ako wala pa 'yung mga autism-autism, wala 'yan. Malikot lang, makulit lang, o kaya slow ka lang so hindi nila nada-diagnose. 'Yun 'yung isa sa reason din kung bakit tinapon ako sa Calabanga because hindi ako nagpa-participate sa classroom. So ipinapatawag nang ipinapatawag 'yung parents ko."
Paliwanag pa ni Suzette hindi rin daw naiintindihan ng kanyang mga magulang noon ang kanyang kondisyon.
"'Yung parents ko naman dahil hindi naman talaga sila nakapag-aral so hindi rin nila naiintindihan. Imagine mo seven years old, nagka-cut ako ng klase, hindi ako pumapasok. Akala nila suwail lang ako. Pero hindi ako nakaka-relate kasi. Pero hindi naman ako nagbubulakbol, nasa library ako, nagbabasa ako. Hindi ko nasasakyan 'yung itinuturo sa akin pero 'yung mga libro sa library doon ako nabubuhay."
Binalikan ni Suzette ang mga napansin niyang difficulties ng anak kaya ipinatingin niya ito sa doktor. Nang malaman niyang magkapareho sila ng kondisyon ng anak naging madali para sa kaniya ang pagpapalaki rito.
"Noong nagkaroon ako ng anak, nakikita ko kung ano'ng meron siya at difficulties niya, na meron ako. Doon ko na siya ipinadoktor. Noong tinitest na siya para makita kung anong klaseng autism meron siya... lahat ng meron siya meron ako. So because of that alam ko kung paano ko siya iha-handle ang son ko."
Panoorin ang istoryang ibinahagi ni Suzette kay Paolo sa Just In: