kokoy de santos and royce cabrera
TV

Kokoy De Santos at Royce Cabrera, nakatanggap ng indecent proposals

By Maine Aquino
Updated On: March 3, 2023, 09:44 AM
Alamin ang kuwento nina Kokoy De Santos at Royce Cabrera tungkol sa indecent proposals.

Inamin nina Kokoy De Santos at Royce Cabrera na minsan na silang nakatanggap ng indecent proposals.

Inilahad ito ng Sparkle actors sa kanilang pagbisita sa Just In nitong March 2. Tinanong sila ng Just In host na si Paolo Contis kung nakatanggap sila ng indecent proposals matapos gawin ang kanilang mga daring roles sa pelikula at series.

Naging parte sina Kokoy at Royce ng BL (boys' love) series na Gameboys at Quaranthings

PHOTO SOURCE: Sparkle GMA Artist Center

Pag-amin ni Kokoy, "May mga indecent proposals. 'Di naman siya ano sa akin, 'di rin naman ako na-offend... May offer agad na gusto mo ng kotse?"

Ayon kay Kokoy na tinanggihan niya ang offer na ito.

Sabi niya "Hindi. Ayoko nga, ang tagal tagal ko nang nagpapakahirap dito. E, di sana noong umpisa pa lang tinanggap ko na yun hindi na ako naghubad hubad. Hindi na ako nagpagod."

"Taga-industriya [showbiz]?" Tanong ni Paolo kay Kokoy.

Pag-amin ni Kokoy, "Oo."

Pagkatapos ay muli niyang ipinaliwanag, "Hindi ko kaya talaga, e. Sabi ko nga, simula pagkabata ko, ito na pinaggagawa ko, e. Siyempre, yung pamilya ko, ganiyan."

Sunod namang nagkuwento si Royce sa episode na ito ng Just In.

Pag-amin ni Royce kay Paolo, "Meron din sa akin."

Dagdag biro pa niya, "Hindi ko inano, kasi sabi ko, raise pa, raise! Sa akin naman cash, kasi ayoko ng property property or gamit. Cash para kaliwaan na."

Paglilinaw ni Royce, hindi siya pumayag sa kahit anong indecent proposal, "Never, never. Hindi ko [pinapansin]."

Kaugnay nito, nagbigay ng mensahe si Paolo bago magtapos ang kanilang kuwentuhan tungkol sa indecent proposal. Pakiusap niya, sana ay bigyan ng respeto ang mga aktor na gumagawa ng daring roles.

"Sila, e, nagtatrabaho lang," sabi niya. "The fact na may nago-offer sa inyo most probably dahil ginagawa niyo nhg mabuti ang trabaho ninyo. Pero sana you treat them with respect kasi para sa kanila art 'yung ginagawa nila.

Diin pa niya sa huli, "Hindi porket humahalik sila ng lalake, naghuhubad... Basta 'pag sa harap ng camera artista sila, so konting respeto."

Panoorin ang kuwentuhan nina Paolo, Kokoy at Royce sa Just In:

SAMANTALA, NARITO ANG ILANG PANG MGA AKTOR NA NAKATANGGAP NG INDECENT PROPOSAL:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.