Paolo Contis, nakatanggap ng papuri bilang host ng 'Just In'
Napahanga ang mga manonood ng Just In dahil sa galing ni Paolo Contis sa pag-interview ng iba't ibang mga personalidad.
Si Paolo ay host ng digital show ng Sparkle GMA Artist Center na Just In. Napapanood ito sa kanilang YouTube channel every Wednesday night.
Saad ng isang netizen, "Mr. Paolo Contis, galing mag-interview. No dull moment."
Komento naman ng isang netizen ay bagay sa isang talk show si Paolo.
"Galing ni Kuya Pao mag-host, bagay din magka talk show."
Saad naman ng isang manonood, "Kudos, Paolo. I've known you not just as a brilliant actor, a comedian, but now a good host. More power.
Abangan ang exciting na episodes ng Just In every Wednesday at 8:00 p".m. sa Facebook page at YouTube channel ng Sparkle at sa Facebook page ni Paolo Contis.