Paolo Contis
PHOTO SOURCE: Sparkle GMA Artist Center/Just In
TV

Paolo Contis on his image in showbiz: 'Ilang beses akong nagpakabait, it's not me'

By Maine Aquino
Alamin ang kuwento ni Paolo Contis sa kanyang nabuong image sa showbiz.

Natatawang inilahad ni Paolo Contis sa Just In ang image na nabuo niya sa showbiz at kung paano niya hinaharap ang mga balita at pangba-bash kaugnay dito. Ito ay naging parte ng kanilang kuwentuhan ni Alden Richards sa ikalawang episode ng Just In.

Paolo Contis

PHOTO SOURCE: Sparkle GMA Artist Center/ Just In

Saad ni Paolo, gusto niyang magpaturo kay Alden dahil magaganda lagi ang lumalabas na litrato ng aktor.

Ani Paolo, "'Di naman ako kasing sikat mo pero lagi akong napi-picturan."

"May hawak akong kamay na nakatalikod," dugtong pa ni Paolo.

Ito ay mula sa viral photo ni Paolo noong 2021 sa Baguio.

Sagot ni Alden sa kanyang Kuya Pao, kailangan daw ay maging authentic lamang sa publiko. "If it's not you, it will show eventually."

Ayon naman kay Paolo, nakailang beses na siyang nagpakabait.

"Ilang beses akong nagpakabait e, it's not me. Hindi talaga, lalabas at lalabas ang sungay ko," natatawang pag-amin ng aktor.

"Ako, lahat na lang nakukunan," saad pa niya.

Ilang netizens naman ang nag-iwan ng komento sa pagiging host ni Paolo at pagpapakatotoo niya sa Just In.

"I love Paolo, so very Funny at so real silang magusap," saad ng isang netizen.

May isa namang nagsabi napahanga sa pagiging totoo ni Paolo. "Am amazed at how good Paolo is at hosting. And how authentic. No pretensions about his character and the bashings that he received and can make fun of it."

Paolo Contis in Just In

PHOTO SOURCE: YouTube

"hahaha lakas ng sense of humor ni Paolo," saad ng isa pang nanood ng Just In.

Panoorin ang kuwentuhan nina Paolo at Alden dito:

NARITO ANG CAREER NI PAOLO CONTIS SIMULA CHILD STAR TO VERSATILE ACTOR:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.