Paolo Contis excited about return of 'Just In' talk show: 'I am still here and I'm back'
Mapapanood na ngayong January 18, ang bagong episode sa 4th season ng Just In.
Sa teaser ng Just In, nagsalita na ang host nitong si Paolo Contis tungkol sa pagbabalik ng kanyang online show.
Saad ni Paolo, "I'm back! Kumusta kayo mga Kapuso?"
Dugtong pa ni Paolo ay marami na ang nangyari sa kanyang buhay bago pa man siya nakabalik sa Just In.
"I am so back. Marami nang nangyari sa buhay natin. Na-bash na ako, may mga sumuporta sa akin, nahiwalay at kung anu-ano pa. I am still here and I am back."
Abangan ang pagbabalik ng chikahan, kuwentuhan at tawanan sa Just In ngayong January 18, 8 p.m. sa Facebook page and YouTube channel ng Sparkle at pati na rin sa Facebook page ni Paolo Contis.