What's on TV

Princess Punzalan, nag-comment sa work ethics ng mga batang aktor at aktres sa showbiz

By Maine Aquino
Published March 4, 2021 7:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

princess Punzalan


Alamin ang comment ng iconic kontrabida na si Princess Punzalan sa mga batang aktor at aktres sa industriya.

Sa latest episode ng Just In ay nakakuwentuhan ni Paolo Contis ang isa sa mga hinahangaang kontrabida sa showbiz industry na si Princess Punzalan.

Si Princess ay kasalukuyang naninirahan sa Amerika kasama ang kaniyang pamilya. Doon ay sinubok niya rin ang pagaartista at kinikilala na rin siya ngayon bilang isang international star.

Princess Punzalan

Photo source: realprincesspunzalan (IG)

Sa kanilang kuwentuhan ay nabanggit ni Princess na tumatanggap pa rin siya ng ilang mga proyekto sa Pilipinas kapag siya ay nasa bansa. Dahil dito, inalam ni Paolo kung ano ang napapansin ngayon ni Princess sa work ethics ng younger generation na nasa mundo ng showbiz.

Isa sa napansin ni Princess ay ang paggamit ng telepono sa gitna ng trabaho.

"Ang isang napansin ko, kapag nasa set, huwag na magtelepono."

Paliwanag ni Princess kapag kailangan na mag-reading sa set ay huwag na sana munang gumamit pa ng cellphone.

"Huwag nang mag-text. Pag nagri-reading na huwag ka na gumamit ng telepono.

Dugtong pa ng aktres, "I mean nasa trabaho ka para magtrabaho hindi para makichika at para makipag-social media. My gosh!"

Isa pang napansin ni Princess ay ang pagkilos ng mabagal kapag nasa trabaho. Ayon sa kilalang kontrabida, "Kapag sinabi na ng assistant director at ng PA na bihis na, bihis na!"

"Huwag na chika chika masyado whatever. Oh my gosh, sayang ang oras. Huwag na masyadong maarte sa kung anu-anong mga ayos diyan."

Saad pa niya ay dapat sana iwasan ang ganitong mga bagay kapag nasa lugar at oras ng trabaho.

"Huwag na magkuwentuhan dahil hindi tayo binabayaran para magkuwentuhan."

Panoorin ang kabuuang kuwento ni Princess Punzalan tungkol dito sa Just In.

RELATED CONTENT:

Just In: Princess Punzalan, international star na rin! | Episode 7

Just In: Paano nagsimula ang showbiz career ni Princess Punzalan? | Episode 7