Jao Mapa, nanghinayang ba sa paghinto sa showbiz?
Ikinuwento ni Jao Mapa ang kaniyang naging desiyon na pagtalikod sa showbiz.
Si Jao ay isa sa mga sumikat noong '90s sa pamamagitan ng commercials, TV shows, at pelikula. Sa kanyang interview sa Just In ay ibinahagi niya kung ano ang naging dahilan sa pag-alis sa showbiz at ano ang pakiramdam niya ngayon tungkol dito.
Kuwento ni Jao sa Just In host na si Vaness Del Moral, ang desisyon niyang ito ay para magbigay daan sa kaniyang pagpapatuloy sa kaniyang college degree.
"There was a time na I stopped in showbiz because I had to choose between finishing my college degree or continue acting.
Dugtong pa niya, "I was in the brink ha. To cut the long story short, I said I'll finish college."
Inamin niyang marami ang nagulat sa kaniyang desisyon noon, "I turned my back one hundred eighty degrees [on] showbiz. Everybody was shocked. It was a big thing actually. They [tried] to convince [me] to go back.
Photo source: @jao_mapa
Kuwento pa ni Jao, hindi naging maganda ang mga balita tungkol sa kaniya dahil sa desisyon niyang ito.
"I had a lot of negative press because of that. I couldn't answer them because I am out of showbiz na rin. If you're out of showbiz, it's not that easy."
Sa kaniyang pag-alis sa showbiz, nakaramdam siya ng saya dahil nakabuo naman siya ng kaniyang sariling pamilya.
"Let's just say I just took a break, and after leaving showbiz I got a family; I've found my wife, my beautiful wife. We [have] three kids.
Simula nang umalis si Jao sa showbiz laging naitatanong sa kaniya kung nakakaramdam ba siya ng pagsisisi sa kaniyang naging desisyon.
"From that time, 2000 up to the present time, I would always have questions of hindi ka ba nagsisisi? 'Di ka ba nagsisisi na sana itinuloy mo na lang, siguro hindi ka magkakaproblema, ganyan.
Dahil sa mga tanong na ito, inamin ni Jao na napapaisip din siya sa kaniyang ginawang paglisan sa showbiz.
"These are running through my mind na oo nga 'no? Parang mali ata ginawa ko. Parang dapat diniretso ko na lang.
Sa nangyaring lockdown, nakita ni Jao na tama ang kaniyang naging desisyon. Saad ng aktor, "When the lockdown came in I realized that showbiz could not help me in the lockdown. I [wouldn't] have a job, I [wouldn't] have projects. What saved my life is painting. Pagiging artist, ang pagiging pintor.
Dugtong pa ni Jao, "'Yung mga pinaghirapan ko since college, since I was born being an artist, 'yun 'yung sumalba sa akin. Kaya now I can proudly say na I have made a good decision.
Samatala, narito ang ilang pang celebrities na nag-goodbye na sa local showbiz:
RELATED CONTENT:
Cindy Kurleto reveals she was depressed and tired when she left the Philippines
Kim delos Santos, ikinuwento kung paano pinagsikapan ang pagiging nurse sa Amerika