Ito ang kuwento ng mag-asawang tila hindi bagay para sa isa't isa.
Si Juan dela Costa ay isang lalaking takot na takot sa commitment. Ayaw niyang mag-asawa at balak lang mag-asal binata habambuhay.
Si Happy Villanueva naman ay laging naghahanap para sa kanyang "the One." Napaka idealistic niya pagdating sa pag-ibig at lahat ng bagay ay romantic para sa kanya.
Magkakakilala ang dalawa nang sagipin ni Juan si Happy mula sa isang madurukot. Ang kanilang whirlwind romance ay mauuwi din sa kasalan!
Pero hindi pa ito ang kanilang happy ending. Tutol sa kanilang pagsasama ang kani-kanilang mga pamilya. Ayaw ng mga dela Costa kay Happy dahil galing ito sa mahirap na pamilya. Ayaw naman ng mga Villanueva kay Juan dahil hindi naniniwala ang mga ito na iniwan na niya ang mga gawaing playboy.
Dagdag pa sa kanilang mga problema, hindi sila magkaanak. Pagdidisisyunan ng dalawa na mag-ampon.
Sa gitna ng kanilang adoption application, magkakahiwalay sina Juan at Happy dahil sa isang 'di pagkakaintindihan.
Itutuloy ni Happy ang pag-aampon, pero malalaman niyang mahirap itong ma-aprubahan kapag nalamang hiwalay na sila ni Juan.
Kaya naman lalapit siya kay Juan para hilingin na magpanggap silang happily married pa rin hanggang matapos ang supervised trial custody nila para sa batang si Katkat. Kapalit nito, bibigyan ni Happy si Juan ng annulment para opisyal na itong makabalik sa buhay binata.
Maging katotohanan kaya ang kunwa-kunwarian? Makuha kaya nina Juan at Happy ang kanilang one happy love story?
Juan Happy Love Story, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad.
Get notified of the latest showbiz news from GMA Entertainment
No ThanksSubscribe
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.