Lei Angela, nakaramdan ng mainit na pagtanggap mula kina Dingdong Dantes at Marian Rivera
Bongga ang naging buwan ng Pebrero para sa Sparkle newbie na si Lei Angela dahil opisyal siyang ipinakilala bilang newest cast member ng sitcom ng primetime comedy show na Jose & Maria's Bonggang Villa 2.0.
Dito, gumaganap si Lei bilang si Isay. Makakasama rin niya rito ang fellow Sparkle artist niyang si Josh Ford, na gaganap naman bilang si Gio. Ang naturang programa ay pinagbibidahan ng celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kahapon, February 27, sinabi ni Lei na madali siyang naging komportable sa set ng Bonggang Villa dahil ipinaramdam agad nina Dingdong at Marian na parte siya ng kanilang family.
Dagdag pa ng dalagang aktres, maraming ibinibigay na advice ang Dantes couple sa kaniya, lalo na pagdating sa kaniyang showbiz career.
Kuwento ni Lei, “Three times na po kami nagkita and one thing I found amusing and enjoyable po about Ate Yan, 'tsaka Kuya Dong is they are very parang open with discussions.
“'Tapos po, meron sila nabi-bring na parang advice with showbiz, but at the same time meron parang personal talks, which I won't mention.”
Pagpapatuloy niya, “They are all very enjoyable to listen to, 'tsaka, kapag meron ka po sasabihin nakikinig po sila earnestly. It feels more of like kada may taping po, parang medyo nagiging family gathering na rin po siya. Kasi, parang nagkukuwento lang kayo ng life and stuff, how you think about this, how you think about that.”
“That's one thing I really appreciate about DongYan is that they are still very youthful at heart po.”
Source: leiangela14 (IG)
Nangako rin si Lei na magiging kaabang-abang ang mga susunod na episode ng Jose & Maria's Bonggang Villa 2.0 dahil sa mga inimbitahan nilang special guests.
Lahad niya, “Maraming salamat po sa suporta with Jose & Maria's Bonggang Villa 2.0. Kahit ako po isa sa mga nanonood po ako ng season one ng show. And I was really happy rin po and lucky enough to be apart of season two. And one thing na pinaka aabangan n'yo po talaga sa show, even nung season one is marami po special guests.
“Marami po certain fun plots or set up kada episode po, so, it's always something new kapag inaabangan n'yo po siya tuwing Sabado.”
RELATED CONTENT: Meet the cast of 'Jose and Maria's Bonggang Villa!'