'KZ Tandingan' impersonator wins as Ultimate Kalokalike in It's Showtime's 'Kalokalike Face 4'
Itinanghal ang KZ Tandingan ng La Union na si Vyan Dela Cruz bilang ang Ultimate Kalokalike sa Ultimate Face-Off ng “Kalokalike Face 4” ng It's Showtime.
Bilang Ultimate Kalokalike, nakatanggap si Vyan ng trophy, artista package, at cash prize na PhP300,000. Sa episode ngayong Sabado (November 23), ipinamalas ng KZ Tandingan impersonator ang kanyang vocal prowess sa stage at kuhang kuha nito ang look ng kilalang mang-aawit.
Pinarangalan naman bilang second placer ang Bruno Mars ng Cebu na si Kent at siya ay nakatanggap ng PhP100,000. Bukod dito, nanalo rin ng special award na Trending award si Kent.
Samantala, nanalo ang Daniel Padilla ng Quezon City na si Jerome bilang third placer at siya ay nakatanggap ng PhP50,000.
Bukod dito, mayroon ding special awards na ibinigay sa contestants. Ang BINI Jhoanna ng Davao Del Norte ay itinanghal bilang Kalokalikeable award, habang ang Ariana Grande impersonator ng Makati City ang pinarangalan ng Kumarir award.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
TINGNAN ANG TRENDING KALOKALIKE FACE 4 CONTESTANTS SA GALLERY NA ITO:
Carlos Yulo
Nagwagi ang Carlos Yulo impersonator na si Andres Santos ng Marikina City sa premiere ng “Kalokalike Face 4” sa It's Showtime. Ipinamalas ng impersonator ng two-time Olympic gold medalist ang kanyang dance moves nang gawin nito sa stage ang “Maybe This Time” dance trend.
Chloe San Jose
Kabilang din sa contestants noong premiere ng “Kalokalike Face 4” ay ang Chloe San Jose impersonator na si Kat ng Pasig City. Ipinakita niya ang kanyang dance moves sa stage gamit ang awiting “Havana” ni Camila Cabello. Bukod dito, sinayaw nila ng Carlos Yulo impersonator ang “Maybe This Time” dance trend.
Si Chloe San Jose ay ang nobya ng Filipino gymnast na si Carlos Yulo.
Ruru Madrid
Isa sa contestant noong premiere ng “Kalokalike Face 4” ay si Kevin, ang Ruru Madrid ng Quezon City. Naghandog ng awitin ang "Kalokalike" contestant at hinarana pa ng malapitan ang guest judge at Kapuso star na si Bianca Umali, ang real-life girlfriend ni Ruru.
Ipinakita rin ni Kevin ang kanyang acting skills nang mag-role play bilang Elias, ang karakter ni Ruru sa full action series na Black Rider.
BINI Maloi
Napa-wow ang mga manonood sa BINI Maloi impersonator na si Theophany Belle ng Iligan City dahil may pagkakahawig talaga siya sa P-pop artist. Natuwa rin ang netizens dahil sa pagiging magkamukha ni Theophany at Maloi.
Nanalo naman si Theophany bilang daily winner ng “Kalokalike Face 4” noong September 3.
SB19's Stell
Napanood sa “Kalokalike Face 4” si Jeon Cyrus, ang SB19 Stell ng Cebu. Ipinamalas ng contestant ang kanyang paghataw ng “Gento” sa stage at vocal skills.
Piolo Pascual
=Kilig vibes ang hatid ng Piolo Pascual ng Bataan na si Jornel sa “Kalokalike Face 4.” Bukod sa pagkakahawig sa batikang aktor, ipinakita ni Jornel ang kanyang acting skills nang sabihin ang ilang movie lines ni Piolo, pati ang kanyang vocal skills.
Nagwagi si Jornel bilang isa sa daily winners ng “Kalokalike Face 4” noong September 4.
Stephen Curry
Naghatid ng saya ang Stephen Curry ng Bohol na si Sherwin sa “Kalokalike Face 4.” Hindi lamang sa bansa pumatok ang panggagaya ni Sherwin sa sikat na basketball player kundi maging sa international basketball fans.
Isa si Sherwin sa mga itinanghal na daily winner ng “Kalokalike Face 4” noong September 4.
Skusta Clee
Tila naging mini concert ang It's Showtime studio nang nagperform ang Skusta Clee ng San Jose Del Monte, Bulacan na si Joven. Dahil sa kaniyang swag na paggaya ng kaniyang iniidolo, nanalo ito sa kompetisyon kasama ang Ely Buendia ng Pasay na si Alvin.
Ely Buendia
Napatawa na lang ang mga hurado na sina Jugs Jugeuta at Teddy Corpuz nang nakita nila ang Ely Buendia ng Pasay na si Alvin. Nanalo si Alvin kasama ang Skusta Clee ng San Jose Del Monte, Bulacan na si Joven sa kanilang laban.
Billy Crawford
Maraming natawa at naaliw naman sa enerhiya na ipinamalas ng Billy Crawford mula sa Bulacan na si Norlan Balilia. Sa sobrang hyper niya, pati ang totoong Billy ay nakulitan sa kaniya noong nag-video call sila nang live sa programa.
Gerald Anderson
Mas naloka ang madlang Kapuso nang bumalik kinabukasan ang Billy Crawford impersonator na si Norlan Balilia sa 'Kalokalike Face 4'. Sa kaniyang pagbalik, siya naman daw ang Filipino aktor na si Gerald Anderson.
LeBron James
Maraming humanga sa LeBron James impersonator mula sa Parañaque City na si Scott. Maliban sa tangkad nito, mapapansin na may hawig talaga siya sa basketball player.
Mas kinaaliwan ng netizens si Scott nang sumayaw ito ng “Salamin, Salamin” at nakipag-basketball sa Gerald Anderson impersonator at sa It's Showtime host na si Ogie Alcasid.
Marian Rivera
Hindi nagpahuli sa labanan at sayawan ang Marian Rivera ng Cavite na si Pattie. Good vibes ang dala niya sa It's Showtime studio dahil sa kanyang ngiti at paggiling sa dance floor.
Siya ang nagwagi sa laban, kasama ang Boy Abunda impersonator na si Proseso.
Boy Abunda
Napa-"Fast Talk" ang mga host ng It's Showtime nang sumali ang Boy Abunda impersonator mula sa Northern Samar na si Proseso. Maliban sa kanyang itsura, pinuri rin ang contestant sa mahusay na paggaya niya sa mga kilos ni Tito Boy. Sa huli, nagwagi sila ni Marian Rivera ng Cavite na si Pattie bilang daily winners.
Ariana Grande
Tila raw ang impersonator mula sa Makati City na si Dane ay kaboses at medyo hawig ang kanyang ginagayang artista na si Ariana Grande. Mula sa simula ng kanyang performance, pinahanga na niya ang madlang Kapuso sa kanyang talento sa pagkanta ng awitin na "One Last Time." Dahil sa kanyang talento, siya ang nanalo sa kompetisyon na may tatlong Kalokalike scores mula sa mga hurado.
Dao Ming Su
Scene-stealer sa viral segment ang kawangis diumano ni Dao Ming Si ng Las Piñas City na si Ryan. Dahil sa kanyang kulit, maraming natuwa sa kanya, pati na rin ang mga host. “Nu'ng bata kasi ako, e, kamukha ko raw talaga si Dao Ming Si. E kaso, nausog ako. Yung nakausog sa akin, nawala e,” paliwanag ni Ryan tungkol sa kanyang itsura.
Matteo Guidicelli
Malakas na hiyawan at palakpakan ang bumungad kay Matteo Guidicelli ng Antipolo na si Harold. Suot ang kanyang puting suit at pormal na ayos ang kanyang buhok, akala ng marami ay siya talaga ang Kapuso star sa stage!
Lassy
Maraming naaliw at natawa nang ipinakilala ang Lassy ng Palawan na si Derwin. Humanga ang madlang Kapuso nang makita nila ang tunay na pagkahawig nito sa host, at pati ang mismong totoong Lassy ay nagulat din. Sa huli, si Derwin ang itinanghal na winner dahil sa kanyang talagang pagkakahawig kay Lassy at sa kanyang husay sa paggaya dito.
Mimiyuuuh
Napa "Mimiyuuuuh~ oh yeah~" ang madlang audience nang nakilala nila ang impersonator mula sa Montalban, Rizal na si Franz. Sa kanyang bihis pa lang, kuhang-kuha na nito ang itsura ni Mimiyuuuh. Marami ang naaliw sa kanyang enerhiya at kilos na para talagang si Mimiyuuuh ang sumali sa programa.
Awra Briguela
Todo hataw sa dance floor ang Awra Briguela ng Cebu City na si Jefferson. Maraming natuwa sa impersonator dahil sa kanyang kulit at enerhiya kasama ang It's Showtime hosts sa stage. Kaya naman siya ay itinanghal na winner for today, kasama ang Arci Muño ng Bulacan na si Elizabeth.
Arci Muñoz
Biritan naman ang ipinamalas ng Arci Muñoz ng Bulacan na si Elizabeth. Dahil sa kanyang husay sa pagkanta at pagkahawig sa orihinal na singer-actress, siya ay itinanghal na winner for today, kasama ang Awra Briguela ng Cebu City na si Jefferson.
Long Mejia
Naloka ang madlang Kapuso sa kulitan ng Long Mejia impersonator mula sa Taytay, Rizal na si Ernesto. Maliban sa kanyang banter kasama ang mga host ng It's Showtime, tila ramdam din nito ang kanyang pogi looks sa camera. Natawa ang lahat nang nakabuo ng love team sina Ernesto at Lassy, na ang pangalan daw ay LongSy.
BINI Jhoanna
Aprubado sa BLOOMS ang BINI Jhoanna ng Davao del Norte na si Angelicka. Ang dalaga, hindi lang kahawig ni BINI Jhoanna kundi may talento rin sa pagkanta. Kaya't itinanghal na winner for today si Angelicka, kasama ang ka-lookalike ni Toni Fowler na si Christian.
Toni Fowler
Patalbugan ng galing at saya ang ipinamalas ng Toni Fowler ng Mindoro na si Christian. Todo hataw ang contestant sa stage at nagpakitang gilas pa ito sa pag-twerk. Sa huli, nanalo si Christian sa kompetisyon, kasama ang BINI Jhoanna ng Davao del Norte na si Angelicka.
Super Tekla
Hindi mapigilang humalakhak ng madlang Kapuso nang ipinakilala ang 'Super Tekla' mula sa Zamboanga Del Norte na si Vincent. Sa itsura pa lang, kuhang-kuha na agad ng impersonator ang looks ng Kapuso comedian. Marami rin ang natawa sa kanyang banters kasama ang mga host ng It's Showtime, na para bang siya talaga si Tekla. Sa huli, siya ang nagwagi sa kompetisyon na may tatlong Kalokalike points mula sa mga hurado.
Jhong Hilario
Aakalaing may kakambal si Jhong Hilario kapag itinabi siya sa kanyang Kalokalike mula sa Rizal na si Ernesto. Hindi lang ang kanyang porma o itsura, kundi kuha rin ng impersonator ang suwabeng dance moves ni Jhong.
Empoy
Intense ang ipinamalas ng impersonator ni Empoy na si Jhon Rey sa patok na segment na "Kalokalike Face 4." Hindi basta ordinaryong acting skills ang ipinakita niya dahil naka-eksena pa niya sa stage ang the one and only na si Gladys Reyes! May iyakan at pati sampalan na nangyari sa kanilang aktingan. Pero naging sulit ito dahil nanalo si Jhon Rey sa kompetisyon.
Teddy Corpuz
Nangyari na muli ang hinihintay ng madlang people dahil may sumali ulit na impersonator ni Teddy Corpuz sa programa. Natawa na lang ang host nang ipinakilala ang contestant mula sa Montalban, Rizal, na si Jaytee. Check na kaagad ang porma ni Jaytee at pati na rin ang pagkahawig ng kanyang itsura sa singer. Sa kanilang kulitan, nag-switch pa ang dalawa ng pwesto: si Jaytee ang hurado at si Teddy ang contestant.
Nora Aunor
Walang himala! Ngunit may Kalokalike rin si Nora Aunor! Nakilala ng madlang Kapuso ang Nora Aunor mula sa Quezon City na si Manuel. Sumabak din ito sa matinding aktingan at nagbigay saya sa kanyang special number.
BINI Gwen
Tila makukumpleto na ang P-pop group na BINI sa "Kalokalike Face 4" dahil isa na namang impersonator ng grupo ang sumali sa programa. Napasayaw at sing-along ang netizens nang nakilala nila ang BINI Gwen mula sa Mandaluyong City na si Mika. Mas naloka pa ang lahat nang mayroong ding Kalokalike ng singer sa audience na nakipag-showdown pa sa contestant. Sa huli, itinanghal si Mika bilang winner sa kompetisyon.
Daniel Padilla
Bumisita na rin sa studio ang Daniel Padilla ng Quezon City na si Jerome. Nakakuha siya ng tatlong Kalokalike score galing sa mga hurado kaya siya ang itinanghal na winner of the day.
David Licauco
Naghatid ng kilig ang David Licauco ng Bulacan na si Jerby. Sa kanyang pananamit hanggang sa hair style, gayang-gaya niya ang kilalang karakter ni David sa Maria Clara at Ibarra na si Fidel.
Jackie Gonzaga
Nasorpresa ang Ate Girl ng 'It's Showtime' na si Jackie Gonzaga nang nakilala niya ang kanyang Kalokalike mula sa Las Piñas na si Jazreel. Dahil sa kanyang kaparehong energy at wangis sa host, nagwagi si Jazreel sa kompetisyon kasama ang Flow G at Jordan Clarkson impersonators.
Flow G
Naghatid ng saya at musika ang Flow G impersonator mula sa Malabon City. Sa huli, itinanghal siyang winner of the day kasama ang Jackie Gonzaga at Jordan Clarkson Kalokalikes.
Jordan Clarkson
Maraming naaliw sa ipinakitang energy at good vibes ang Kalokalike ni Jordan Clarkson mula sa Mandaluyong City na si Paulos. Dahil sa kanyang talento gayahin ang basketball player, naging winner of the day ito kasama ang Jackie Gonzaga at Flow G impersonators.
BINI Colet
Isa na namang myembro ng BINI ang nag-sideline sa 'Kalokalike Face 4'. Marami ang naaliw nang nakilala nilla ang BINI Colet ng Rizal na si Shen. Masuwerte din ang impersonator dahil dumalaw pa sa studio ang totoong BINI Colet para makilala niya rin ito. Nagwagi si Shen sa laban kasama ang Undertaker ng Parañaque na si Charles.
Undertaker
Tila wild at energetic vibes ang ibinigay sa madlang Kapuso ng Undertaker impersonator mula sa Parañaque na si Charles. May online netizens na nagsabi na kamukha talaga niya ang wrestler. Sa huli, itinanghal siyang winner of the day kasama ang BINI Colet mula sa Rizal na si Shen.
Regine Velasquez
Naging speechless si Ogie Alcasid nang nakilala niya ang Regine Velasquez impersonator ng Muntinlupa City. Dahil hindi ito makapaniwala nang makita ang impersonator ng kanyang asawa, hindi mapigilang mapatawa at mahiya si Ogie habang kausap niya ito. Itinanghal winner of the day ang Kalokalike ni Regine kasama ang Boy Pickup impersonator ng Sampaloc, Manila.
Boy Pick-up
Mas naloka si Ogie Alcasid nang sumunod ang Boy Pick-up ng Sampaloc, Manila. Nakipag-pickup battle pa ang dalawa, kung saan natuklasan daw ni Ogie, 'Habang pinapanood kita, iyan pala ginagawa ko noong araw. Walang kakuwenta-kuwenta'. Sa huli, nanalo ang Boy Pickup impersonator kasama ang Kalokalike ni Regine Velasquez.
Arwind Santos
Nagpakita ng basketball skills ang Arwind Santos ng Laguna na si Robert. Itinanghal siyang winner of the day dahil sa mahusay niyang paggaya sa basketball player.
Bruno Mars
Marami ang natuwa nang sumali sa 'Kalokalike Face 4' ang Bruno Mars ng Cebu na si Kent. Maliban sa pagkapanalo niya sa face off, tila panalo rin ito bilang fan dahil napansin pa siya ni Bruno Mars mismo!
Petite
Good vibes ang dala ng Petite impersonator ng Zamboanga na si Raymond. Sa huli, nagwagi siya bilang winner of the day kasama ang Bruno Mars ng Cebu na si Ken at Kathryn Bernardo ng Antipolo na si Irene
Kathryn Bernardo
Masayang bumati ng "Hello, Love, Again" sa madlang Kapuso ang Kathryn Bernardo ng Antipolo na si Irene. Sa huli, isa siya sa mga nanalo sa kanilang face off kasama ang Bruno Mars at Petite impersonators.
Snoop Dog
Tawanan at kalokohan ang nangyari sa studio nang ipinakilala ang Snoop Dog ng Tondo, Manila, na si Carlos. Parang naloka ang mga host nang kausapin ang impersonator dahil sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap sumuko ito gayahin ang rapper. Pero sure win bilang fan si Carlos dahil napansin din siya ng orihinal na Snoop Dog.
Yaya Dub
Isang pabebe wave ang naging pagbati ng Yaya Dub mula sa Rizal. Todo hataw at pakwela ang ginawa ng impersonator kaya't nagwagi ito bilang winner of the day.
April Boy
Napakanta ang Madlang audiennce ng ''di ko kayang tanggapin" nang sumali sa face off ang April Boy Regino impersonator ng Davao Del Sur. Sa huli, itinanghal siyang winner of the day kasama ang Snoop Dog ng Tondo, Manila na si Carlos.
KZ Tandingan
Concert vibes ang ibinigay ng KZ Tandingan ng La Union na si Vyan. Maraming nag-enjoy sa kanyang special performance na tila gayang-gaya raw ang Filipina singer.
Arthur Nery
Kilig naman ang ibinahagi ng Arthur Nery mula sa Rizal na si John Raymond. Dahil sa kanyang talento sa pagkanta at paggaya sa singer, nagwagi ito sa kompetisyon.
BLACKPINK Rosé
Maraming nagulat nang bumisita sa It's Showtime studio ang BLACKPINK Rosé ng Davao Oriental, na si Kristel. Pero naloka ang mga host sa contestant dahil sa matipid nitong pagsagot sa kanilang mga katanungan at hiya on stage. "Ang sarap mong kausap! Kababalik ko lang, ah! Ang tagal kong nawala sinasabi ko sa iyo, not today!" sabi ni Vice sa kanya.
BLACKPINK LISA
Dalawa na lang at magiging kompleto na ang BLACKPINK sa programa dahil sumali din ang LISA ng Antique na si Maria. Todo sayaw at pag-rap pa nito sa kanta ng grupo na "As If It's Your Last." Dahil sa kanyang effort at energy on stage, nanalo si Maria sa kanilang face off kasama ang Whamos ng Nueva Ecija.
Whamos
Naghatid ng kulitan at tawanan sa studio ang Whamos Cruz mula sa Nueva Ecija na si Mark. Dahil sa kanyang hitsura at estilo, naging paborito siya ng Madlang Kapuso at mga hurado. Nanalo siya sa kanilang face off kasama ang BLACKPINK LISA ng Antique na si Maria.
LA Tenorio
Puno ng kulitan at tawanan ang It's Showtime studio nang pumasok sa stage si Lando, ang LA Tenorio mula sa Bohol. Lalong dumami ang tawanan nang mapansin nina Vice Ganda na kamukha niya ang dalawa nilang staff.
Angel Locsin
Isa na namang contestant sa patok na segment na "Kalokalike Face 4" ang pinag-usapan ng online netizens. Mula sa Facebook, TikTok, hanggang sa X, hindi mapigilang i-share ng madlang Kapuso ang mga video at larawan ng Angel Locsin impersonator na si Julia Belo. Ngunit ang kasikatan niya ay hindi dahil kawangis niya ang aktres. Maraming netizens ang nagsasabi na malayo ang kanyang hitsura kay Angel Locsin, at mas kahawig niya ang beteranong aktres na si Nora Aunor. Sa kabila ng mga komento tungkol kay Julia, may ilang netizens na nagsaliksik sa kanyang mga dating clip online at namangha sa pagkahawig niya talaga kay Angel Locsin.
Kiko Matos
Namangha ang online netizens at audience sa impressive beatbox skills ng Kiko Matos impersonator mula sa Bulacan. Ayon kay Gladys Reyes, talagang kamukha ito ng artista, kaya't nagwagi ang contestant sa kanilang faceoff.
Karylle
Hindi mapigilan ang tawanan ng It's Showtime hosts at Madlang Kapuso nang makilala nila ang Karylle ng Bulacan na si Cheche. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa kanyang mukha, talagang masasabi na kamukha niya ang artista.
Denise Laurel
Nagulat ang special judge na si Denise Laurel nang makita ang kanyang impersonator mula sa Laguna na si Kyla. Dahil sa pagkakahawig at galing sa pag-arte bilang Denise, siya at ang Karylle ng Bulacan ang ang naging winners of the day.
Jhong Multiverse
Tila dumadami na si Jhong Hilario dahil hindi lamang isa o dalawa, kung hindi tatlong Jhong ang sabay-sabay na sumalang sa 'Kalokalike Face 4'. Naghatid ng saya sa Madlang Kapuso ang impersonators na sina Celso (Las Piñas City), Michael (Cavite), at Presh (Manila).
Steve Harvey
Malakas na palakpakan at hiyawan ang bumungad kay Jose, ang Steve Harvey ng Quezon City. Hindi niya pinalampas na balikan ang iconic incident ng American host kung saan inanunsyo nito ang winner ng Miss Universe 2015. Sa huli, nagwagi si Jose kasama ang impersonators nina Bela Padilla ng Marinduque at Ne-Yo ng Malate, Maynila.
Bela Padilla
Hindi nakatakas ang guest host na si Bela Padilla sa pagkilala sa kanyang impersonator mula sa Marinduque na si Christine. Mula sa pananamit hanggang sa pag-arte, talagang kuhang-kuha ni Christine ang estilo ni Bela. Dahil dito, itinanghal siyang winner of the day kasama ang impersonators nina Steve Harvey at Ne-Yo.
Ne-Yo
Nagwagi rin sa kanilang face off ang Ne-Yo impersonator mula sa Malate, Maynila. Napahanga niya ang Madlang Kapuso sa kanyang suwabeng pagkanta at pagsasalita na talagang kuha ang estilo ng international singer. Kasama niya sa panalo ang impersonators nina Steve Harvey at Bela Padilla.
Rita Daniela
Natuwa ang mga host nang bumalik sa It's Showtime studio ang Kapuso singer-actress na si Rita Daniela. Ngunit sa pagkakataong ito, ang bumisita ay ang kanyang impersonator mula sa Quezon City na si Aubrey. Dahil sa talento at pagkakahawig niya kay Rita, itinanghal siyang winner of the day.
Vice Ganda
Isang dream come true para sa Drag Den Season 2 winner na si Deja ang makilala ang kanyang iniidolo na si Vice Ganda. Sa kalagitnaan ng kanilang kulitan, hindi mapigilang mapaluha si Deja sa tuwa."This is such a dream come true po for me. You're my icon, my diva, my legend, my myth," sabi niya. Sa huli, nanalo ang drag queen sa face-off kasama ang Pepe Herrera ng Taytay, Rizal na si Adrian.
Pepe Herrera
Good vibes ang hatid ni Adrian, ang Pepe Herrera impersonator mula sa Taytay, Rizal. Dahil sa kanyang pagkakahawig sa singer-actor at sa kanyang nakakatuwang performance on stage, itinanghal siyang winner for today kasama si Deja, ang Vice Ganda impersonator mula sa Baguio.
Paolo Benjamin
Natagpuan na ang pangatlong Benjamin sa "triplets" ng Ben&Ben nang sumali ang Paolo Benjamin ng Lucena City na si Dominic. Sa kanyang buhok at talento sa pag-awit, talagang kahawig siya raw ng OPM singer. Itinanghal na winner of the day si Dominic kasama ang Coach Bamboo impersonator ng Antipolo City.
Bamboo
Malakas ang tawanan ng Madlang Kapuso nang binati sila ng "Yehee! Yohoo!" ng Coach Bamboo impersonator mula sa Antipolo City. Mula pa lang sa kanyang performance, puno na ng good vibes ang kanyang hatid sa studio. Hindi rin mapigilan ng mga host ang kanilang tawanan sa kwelang impersonator. Dahil sa kanyang mahusay na paggaya sa Filipino rockstar, nagwagi ang contestant kasama ang Paolo Benjamin impersonator mula sa Lucena City.
Wowie de Guzman
May bumalik sa It's Showtime! Ngunit kalokalike lang pala niya! Tawanan ang hatid sa studio ni James, ang Wowie de Guzman impersonator mula sa Caloocan City. Sa kanyang special number, napa-throwback ang madlang audience habang sumasabay sa kantang "Always" ng Erasure. Dinagdagan pa ni James ang good vibes nang nakipagkulitan siya sa mga host. Nanalo siya bilang winner of the day na may perfect kalokalike score mula sa mga hurado.