Michelle Dee and Oliver Moeller's kilig moments on 'It's Showtime!'
Hindi lang ang Sparkle beauty queen na si Michelle Dee ang tila nabighani sa 'EXpecially for You' candidate na si Oliver Moeller kundi pati ang madlang Kapuso.
Trending ang Cebu-based lawyer na nagpabilib sa mga naging sagot niya sa hit segment ng 'It's Showtime' kahapon, April 6.
Ating balikan ang nakakakilig na moments nina Michelle at ng napili niyang “green flag” sa gallery na ito.
EXpecially for You
Matin-DEE ang kilig ang naramdaman ng mga Kapuso at Kapamilya na tumutok sa episode ng 'It's Showtime' kahapon, April 6, kung saan naka-match ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee and 32-year-old lawyer na si Oliver Moeller mula Lapu-Lapu City, Cebu.
Oliver
Palaban ang naging pick-up line ni Atty. Oliver para sa ating Sparkle beauty queen.
Hirit niya, “Hi, Michelle! Michelle, gusto mo ba mag-stay sa Cebu?
Balik na tanong ni Michelle, “Bakit?”
Tugon ni Oliver “Gusto mo ba mag-stay sa CEBUhay ko?”
Ayaw
Panalo rin ang naging sagot ni Oliver sa kung ano ang gagawin niya kung ayaw ng nanay niya at ng mommy ni Michelle sa isa't isa.
Para kay Oliver, pipiliin niya na maging understanding kung ganun man ang maging sitwasyon nila ng pinakamamahal niya.
Lahad ng guwapong lawyer, “I think 'yung gawin ko, I'll ask them both to spend time together. I know my mom, I love my mom. She is a very lovable person, saka si Ma'am Melanie, I'm pretty sure she is a lovable person as well. Understanding din ako na paminsan mag-clash talaga 'yung personalities ng mga tao. And since love is all about sacrifice, that's what I think, I think maybe, both of them can sacrifice to at least keep it civil. Hopefully, para may future kami possibly.”
Dream
May makukuha ring words of wisdom ang madlang Kapuso kay Oliver Moeller patungkol sa relasyon.
Sabi niya sa 'EXpecially for You,' “I guess, I would never ask her to stop chasing her dreams even if that means we would spend less time together. I understand how important her goals are for her, her career.
“So, I could never ask her to make that sort of sacrifice. Cause I believe that a relationship should add to your life and not take away from it.”
Kissing scene
Hindi rin daw magiging problema para sa kanya kung sakali magkaroon ng kissing scene ang girlfriend niyang actress bilang parte raw ito ng trabaho niya bilang artista.
Paliwanag niya, “I fully understand na kasama naman 'yan sa showbiz, 'yung kissing scenes and I'm confident in myself. I'm secure in myself din naman and I fully believe na malakas naman talaga 'yung foundation ng relationship ng girlfriend ko. So that I shouldn't be worried about a kissing scene with someone else.”
Smile
Napansin ng netizens ang iba ang ngiti ni Michelle nang makita niya for the first-time ang green flag niyang si Oliver.
Choice
Aprub naman kay @Lourdharn ang desisyonni Michelle na piliin si Oliver. Ssabi nito, umpisa pa lang ay nakikita niyang bagay ang guwapong lawyer para sa ating Kapuso beauty queen.