'It's Showtime' hosts name Kapuso artists they wish to work with
Simula April 6, mapapanood na ang noontime variety show na It's Showtime sa GMA.
Matatandaan na idinaos ang “It's Showtime sa GMA: The Contract Signing” noong March, kung saan present ang executives ng Kapuso at Kapamilya networks, pati ang hosts ng It's Showtime na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Karylle, Ryan Bang, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez, Ion Perez, MC, Lassy, Darren Espanto, Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez.
Sa panayam ng GMANetwork.com sa ilang hosts ng programa, ibinahagi nila kung sinong Kapuso stars ang nais nilang makatrabaho sa isang proyekto. Alamin ang kanilang sagot sa gallery na ito.
Anne Curtis
Ayon kay Anne Curtis, isa sa mga nais niyang makatrabaho ay ang kanyang kapatid na si Jasmine Curtis-Smith. Katunayan, maraming beses na ring bumisita ang Kapuso actress sa It's Showtime gaya na lamang noong birthday celebration ng kanyang Ate Anne noong Pebrero.
DongYan
Kabilang din sa mga nais makatrabaho ni Anne Curtis ay sina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera. Matatandaang, nakatrabaho na ng It's Showtime host si Dingdong sa pelikulang Sid & Aya: Not A Love Story.
Heart Evangelista
Nais din makatrabaho ni Anne Curtis ang global fashion icon na si Heart Evangelista.
Jennylyn Mercado and Gabbi Garcia
Kabilang din sa mga gustong makatrabaho ni Anne Curtis sinaJennylyn Mercado at Gabbi Garcia. Ayon sa actress-host, nakatrabaho na niya si Gabbi sa isang online shopping platform.
Bea Alonzo
Isa rin sa nais makatrabaho ni Anne Curtis ay ang renowned actress na si Bea Alonzo. “I'm excited to be reunited with Bea,” ani pa ng Fil-Australian beauty.
Vhong Navarro
Ayon kay Vhong Navarro, gusto niyang makatrabaho ang award-winning comedian na si Michael V.
“Sa mga kuwento ni Kuya Ogie [Alcasid] parang kapag nakasama ko siya, bukod sa tawanan, marami akong matututunan sa kanya. Kasi si Michael V. ay isa sa mga haligi sa komedya na gusto ko makatrabaho,” aniya.
Kim Chiu
Nang tanungin ng GMANetwork.com ang actress at host na si Kim Chiu kung sino'ng Kapuso stars ang nais niyang makatrabaho,ang Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang kanyang naging sagot.
Karylle
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Karylle, sinabi ng It's Showtime host na kung mabibigyan ng pagkakataon ay nais niyang muling makasama sa isang project si Direk Mark Reyes.
"For me kasi the biggest Kapuso star is Direk Mark Reyes. I love you, Direk Mark," masayang sabi ni Karylle.
Dagdag niya, "Siyempre, he gave us that wonderful project (Encantadia) that has really put us in the hearts of so many people. So I would love to do another project with Direk Mark."
Ryan Bang
Ayon sa Korean host na si Ryan Bang, nais niyang makatrabaho ang King of Talk na si Boy Abunda. “Favorite ko [si] Tito Boy,” ani Ryan sa interview ng GMANetwork.com.