Arvery Lagoring and Marco Adobas in Tawag ng Tanghalan
photo by: itsShowtimena FB
TV

'It's Showtime', inanunsyo ang disqualification ni Marco Adobas sa 'Tawag ng Tanghalan'

By Kristine Kang
Updated On: March 28, 2025, 11:22 AM
Bumalik muli si Arvery Lagoring sa TNT stage matapos ma-disqualify si Marco Adobas.

Isang mahalagang anunsyo ang ibinalita ng It's Showtime ngayong Huwebes, (March 27) sa kanilang programa at social media pages.

Ipinahayag ng noontime show na ang resbaker na si Marco Adobas ay hindi na magpapatuloy sa "Tawag ng Tanghalan: All-Star Grand Resbakan" dahil sa paglabag sa kanyang kasunduan sa programa.

"Ang mga kalahok sa 'Tawag Ng Tanghalan' ay may pinirmahang kasunduan bago magsimula ang kumpetisyon. Sa hindi inaasahang pangyayari, si Marco Adobas ng Pangkat Alon ay may nilabag na alituntunin na nakasaad sa kanyang pinirmahang kasunduan. Dahilan para sa siya ay ma-disqualify, at hindi na magpatuloy sa kumpetisyon," saad ng It's Showtime.

Dagdag pa ng programa, "At dahil sa mga mabigat na paratang na inilathala niya sa kanyang social media patungkol sa kumpetisyon at sa programa, ay may posibilidad na masampahan siya ng kaso."

Upang mapanatili ang integridad ng kumpetisyon, nagdesisyon ang It's Showtime team na bigyan ng isa pang pagkakataon ang isa sa contenders na natalo sa unang tapatan.

"Napagdesisyunan ng programa na siya ay palitan upang manatiling kumpleto ang bilang ng mga miyembro ng pangkat na kanyang kinabibilangan. At ang piniling kapalit ay manggagaling sa natibag na pangkat, ang Pangkat Amihan at 'yun ay walang iba kundi si Arvery Lagoring," sabi nila.

Sa kanilang anunsyo sa programa, nagbigay rin ng paalala si Vice Ganda sa mga kalahok at sa publiko.

Aniya, "Kaya everyone, be very careful. Maari tayong magbigay ng ating opinyon, pero siguraduhing ang ating opinyon ay hindi makapagpapahamak ng ibang tao, o ano mang grupo, at lalong hindi makapagpapahamak sa sarili ninyo. Lalo na sa mga pinipirmahang kasunduan, please be mindful kung ano ang pinipirmahan ninyo, para alam n'yo rin kung paano ninyo dadalhin ang inyong mga sarili."

Tuloy ang tapatan ng mga pangkat Alab, Agimat, at Alon sa "Tawag ng Tanghalan: All-Star Grand Resbakan 2025."

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, balikan ang highlights ng "Tawag ng Tanghalan All-Star Grand Resbakan 2025" media conference, dito:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.