'It's Showtime' bags Best Variety Show at 38th PMPC Star Awards for Television
Isang milestone ang nakamit ng noontime variety show na It's Showtime matapos makatanggap ng bagong parangal.
Pinangaralan ang It's Showtime bilang Best Variety Show sa 38th PMPC Star Awards for Television.
Sa episode ng naturang programa ngayong Lunes (March 24), masayang ibinahagi ng host na si Amy Perez ang award na natanggap ng It's Showtime.
Bukod dito, nagwagi rin ang isa sa mainstays ng afternoon program na si Anne Curtis bilang Best Female TV Host.
Noong Pebrero, nakamit ng It's Showtime ang parangal bilang Best Noontime Show ng entertainment category sa 10th Platinum Stallion National Media Awards.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.