Sexy Babe Janesse, kinilig sa kaniyang crush na si Vice Ganda
Kahit sino ay hindi mapipigilan ang mabilis na pagtibok ng puso o ang matamis na ngiti tuwing makakasama nila ang kanilang hinahangaan o minamahal.
Ganoon din ang naranasan ng isa sa mga Sexy Babe ngayong Martes (February 4) nang makasama niya ang kaniyang ultimate celebrity crush.
Sa kaniyang panayam kasama ang It's Showtime hosts, tila natulala si Sexy Babe Janesse San Miguel nang makita niyang malapitan ang kaniyang hinahangaan.
Sa bawat tanong ng hosts, kitang-kita ang nerbiyos ng model beauty queen. Ngunit hindi ito dulot ng kompetisyon, kundi sa excitement na makaharap ang kaniyang crush.
At sino nga ba ang nagpapatibok ng kaniyang puso? Walang iba kung hindi ang Unkabogable Star, na si Vice Ganda!
"Hala ma! Ito kakapasok lang ng info. Crush ka raw niya. Kaya pala hindi makapagsalita," ibinunyag ni Kim Chiu.
Nang malaman ni Vice ang tungkol dito, agad niyang ipinakita ang kaniyang charming side para kay Janesse. May pagkakataon pang inayos nito ang buhok ng contestant habang matamis na nakatingin sa mga mata ng kaniyang admirer.
"Wala naman akong ibang hangad kung hindi magpangiti lamang ng mga mukha ng mga tao," sabi ni Vice na para bang isang leading man sa isang drama.
Ngunit hindi lang si Sexy Babe Janesse ang kinilig. May moments din na hindi napigilan ni Vice na mapangiti nang pinuri siya nito
"Malakas po 'yung dating niya, magaling po pumorma, flawless po, mabait po, at tsaka maganda humor. Pinapasaya po ako," dahilan ni Janesse kung bakit crush niya si Vice.
Kuwento ng Sexy Babe, naging inspirasyon niya si Vice na matutong maging open sa pagmamahal sa iba't ibang genders.
"Walang pinipiling gender ang pag-ibig. Universal iyan, e. Lahat iyan puwede maramdaman ng kahit sino," mensahe ni Vice. "Kaya huwag mong lilimitahan ang puso mong magmahal base lamang sa kung ano'ng kulay o hugis ng taong ito. Love is love and love must win."
Dagdag ni Kim,"Love comes in all forms, shapes, (and) sizes. Because love is all that matters, faithful and forever. Keeping us together, love will set us free."
Dahil sa kaniyang confidence at dedikasyon, nanalo si Janesse bilang Sexy Babe of the Day.
Subaybayan ang It's Showtime Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Balikan ang kanilang nakakakilig na moment dito:
SAMATALA, TINGNAN ANG FASHIONABLE LOOKS NI VICE GANDA SA IBABA