Vhong Navarro and scholar
TV

Dating scholar ni Vhong Navarro, ikinuwento ang kanyang success story

By Dianne Mariano
Labis ang pasasalamat ng dating scholar ni 'It's Showtime' host Vhong Navarro na si Jeffrey sa una dahil sa naibigay nitong tulong sa kanya para makapagtapos ng pag-aaral.

Nagpahayag ng pasasalamat ang isa sa mga sumabak sa “And The Breadwinner Is” segment ng It's Showtime kamakailan sa actor-host na si Vhong Navarro.

Isa sa mga breadwinner sa nasabing segment ay si Jeffrey na nagtatrabaho bilang store manager ng isang panciteria sa Las Piñas.

Tinanong ni Vice Ganda si Jeffrey kung totoo ba ang kwento nito na siya ay napag-iwanan sa pag-ibig at umoo ang huli, ngunit aniya'y ang mindset niya ay unahin ang kanyang pamilya bago ang pag-ibig.

Kuwento pa ni Jeffrey, isa siyang successful breadwinner noon dahil naging iskolar siya ni Vhong noong 2012.

“Actually, I'm a successful breadwinner before kasi naging iskolar niyo po ako before and because of that scholarship, napagtapos ko 'yung tatlo. And I'm so happy and thankful sa Showtime, lalo na po kay Sir Vhong Navarro, sa scholarship po. Way back 2012 pa po 'yon,” aniya.

Labis ang pasasalamat ni Jeffrey sa lahat ng bumubuo ng It's Showtime dahil sa tulong na naibigay sa kanya.

“Kaya ito na po 'yung chance ko para magpasalamat sa buong team ng It's Showtime kasi kayo po 'yung nagbigay ng kulay at pag-asa sa aming broken family. And dahil sa inyo, napagtapos ko 'yung ibang kapatid ko and madami na po kaming breadwinner, hindi lang po ako,” kwento niya.

Ani naman ni Vhong, “Salamat kasi talagang ginamit mo nang husto at ngayon kita mo naman.”

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.