Katrice Kierulf in Kalokalike Face 4
Photo by: katricekierulf IG
TV

Klea Pineda, pinasalamatan ni Katrice Kierulf sa pagtatapos ng kanyang 'Kalokalike Face 4' journey

By Kristine Kang
Katrice Kierulf sa pagsali sa kompetisyon: 'Beyond grateful for this opportunity.'

Isa sa mga sumali sa kompetisyon ng It's Showtime kamakailan ay ang girlfriend ni Klea Pineda na si Katrice Kierulf.

Nitong Martes (November 19), humarap si Katrice sa face-off bilang isa sa mga semi-finalist ng patok na segment na "Kalokalike Face 4." Naghandog siya ng saya at talento bilang Lovi Poe ng Pasig City.

Bagamat hindi siya nakapasok sa grand finals, hindi ito naging hadlang sa kanyang saya at pasasalamat sa lahat ng suporta na natanggap mula sa kompetisyon.

Sa kanyang Instagram account, nagpasalamat si Katrice sa mga magagandang karanasan at oportunidad na ibinigay sa kanya ng It's Showtime. Kasama ang stunning photos na kuha sa studio, isinulat niya ang kanyang thank you message sa captions.

Para kay Katrice, labis ang kanyang pasasalamat na makasama sa programa at maibahagi ang kanyang talento. Grateful din daw siya sa experience dahil ito ang nagbigay sa kanya ng dagdag na kumpyansa sa sarili at mga bagong kaibigan.

"Beyond grateful for this opportunity [because] I got to showcase my talent, meet new friends and make myself & loved ones proud. I'm so excited for what's to come! I know that this is just the beginning," ani Katrice.

Pinasalamatan din ni Katrice ang lahat ng nagbigay ng suporta sa kanyang journey. Ayon sa kanya, "My journey wouldn't be complete without you."

Isa sa mga binanggit ni Katrice ay ang kanyang nobya, na si Klea Pineda. Ang Kapuso star raw ay ang kanyang number one supporter simula pa noong pagsali niya sa kompetisyon. "Thank you also to my mahalybear, Klea Pineda for always believing in me and for being my #1 supporter since Day 1! Ikaw nagbibigay sakin ng lakas ng loob. YOU INSPIRE ME SO MUCH! Manifesting na magka-eksena tayo someday (Naks!)," dagdag ni Katrice.

Labis din ang kanyang pasasalamat sa orihinal na Lovi Poe. Ayon kay Katrice, nagbigay din ng suporta ang aktres sa kanya. "Special shout out to the one and only Lovi Poe! THANK YOU ALSO FOR THE SUPPORT. You are such a beautiful soul no wonder why a lot of people look up to you!"

Puno ng supportive at loveable messages ang comment section ng kanyang post. Nagpakita rin ng suporta ang Kapuso celebrities na sina John Vic De Guzman at Mikee Quintos.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Samantala, balikan ang mga trending at nanalong "Kalokalike" contestants sa gallery na ito:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.