Carlos Yulo impersonator
PHOTO COURTESY: It’s Showtime
TV

Carlos Yulo impersonator, wagi sa premiere ng 'Kalokalike Face 4'

By Dianne Mariano
Nagwagi si Andres Santos ng Marikina City, ang look-alike ni Filipino gymnast Carlos Yulo, sa pagbabalik ng “Kalokalike” sa 'It's Showtime.'

Muling nagbabalik ang talent impersonation contest na “Kalokalike” sa It's Showtime ngayong Lunes (September 2).

Isa sa contestants sa nasabing segment kanina ay ang Carlos Yulo impersonator na si Andres Santos ng Marikina City.

Related gallery: Meet Carlos Yulo, the Philippines' two-time Olympic gold medalist


Ipinamalas ng impersonator ng Filipino gymnast ang kanyang dance moves nang gawin nito sa stage ang “Maybe This Time” dance trend.

Matapos ito ay inulit ng contestant ang naturang dance craze kasama naman ang It's Showtime host na si Vice Ganda.

Ikinuwento rin ni Andres na ang kanyang mga kaklase at kaibigan ang nakapansin na may hawig siya sa Filipino athlete.

"Noong unang-una po, 2020 pa po 'yun. May mga friends and classmate na po ako na nagsasabi na kamukha ko po talaga si Carlos Yulo," pagbabahagi niya.

Sa huli, nagwagi si Andres sa premiere ng “Kalokalike Face 4” dahil siya ang nakakuha ng tatlong “Kalokalike” na hatol mula sa hurados na sina Jugs and Teddy, Rufa Mae Quinto, at Bianca Umali.

Bukod kay Andres, tampok din sa “Kalokalike Face 4” ang Chloe San Jose impersonator na si Kat ng Pasig City at Ruru Madrid impersonator na si Kevin ng Quezon City.


Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.