TV

Pagbisita nina Barbie Forteza at David Licauco sa 'It's Showtime,' kinaaliwan ng fans

By Kristine Kang
Updated On: July 8, 2024, 06:20 PM
Usap-usapan ng netizens ang iconic na pagbati nina Barbie Forteza at David Licauco sa 'It's Showtime.'

Puno ng energy ang noontime program na It's Showtime sa episode nito kanina, July 8.

Todo party mode ang madlang audience kasama ang mga makukulit na host sa programa. Mas dumoble ang energy ng studio nang bumisita ang patok na Kapuso love team na sina Barbie Forteza at David Licauco o mas kilala bilang BarDa.

Kaabang-abang ang bati ng duo sa madlang Kapuso, lalo na kilala si Barbie sa kaniyang energetic version na "What's up, madlang pipol!"

Pero marami ang natawa at na nasiyahan sa dalawang Kapuso stars dahil sa kanilang magkaibang energy.

Kung si Barbie ay game na game sa kulitan, si David naman ang cute at mahiyain on stage. Naging usapan pa ng online viewers ang adorable version na bati ni David sa programa.

Hindi mapigilan din ng netizens at hosts na pansinin ang balance chemistry ng mag-love team, na tila raw sila ang perfect example na si OA at si nonchalant.

"Ang tawag doon sa relationship, balance relationship," sabi ni Teddy Corpuz.

Maliban sa kanilang pagbati, marami rin ang natuwa sa pagsali ni Barbie sa larong segment ng programa na "Showing Bulilit."

Sa kanilang kulitan, sumakay pa si Barbie sa mga banter nina Jhong Hilario at Vice Ganda.

Isa sa unforgettable moments nilang tatlo ang biniro ni Jhong na lumayo muna si Barbie kay Vice dahil nananadyak daw ito.

“Barbie, huwag ka dumikit masyado. Naninipa yan,” biro ni Jhong.

Umabot pa sa jackpot round sina Barbie at Ryan Bang kung saan nanalo sila ng PhP 35,000 na ipinamigay sa madlang audience.

Mapapanood ang BarDa sa cinema screens sa kanilang pelikula na That Kind of Love. Malapit na rin ang kanilang upcoming family drama na Pulang Araw kasama ang Kapuso stars na sina Sanya Lopez, Alden Richards, at Dennis Trillo.

Samantala, subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.