Vice Ganda and Redd in Its Showtime
Source: It’s Showtime & GMA Network
TV

Vice Ganda sa mali-maling pickup line ni Redd: 'Your honor, paulit-ulit na lang siya'

By Aedrianne Acar
Vice Ganda: “Paulit-ulit siya your honor, parang pinakabisado lang sa kaniya ng abogado niya.” Balikan ang funny moment na ito sa 'It's Showtime' ngayong Biyernes, May 24!

Tila napasabak sa isang matinding hearing sa Kongreso ang "EXpecially For You" contestant na si Redd.

Ang 27-year-old na finance manager mula Cebu City ang isa sa mga lalaki na gusto magkaroon ng chance na maka-date ang searchee this Friday na si Sophia.

Napunta sa matinding tawanan ang buong It's Showtime Studio nang nahirapan si Redd sa pagbitaw ng pickup line niya na: “Sophia, kung mag-joke ako okay lang na kahit hindi ka tumawa.

“Kasi, ito 'yung magandang [nautal], magandang idea na you're meant for me.”

Napahirit dito si Vice Ganda na sinabing, “May igaganda pa 'yun [o] wala?”

“Ang tagal-tagal mo nakaupo sa loob na 'yan, mano man lang pinaraktis mo nang pinaraktis bago bumukas 'yung kurtina”

Sinubukan bumawi ni Redd, pero may sablay pa rin siya.

“Paulit-ulit siya your honor, parang pinakabisado lang sa kaniya ng abogado niya,” biro ni Meme Vice sa EXpecially For You contestant.

Dagdag pa ng award-winning comedienne, “Paikot-ikot na lang tayo dito, inaaksya mo 'yung oras namin. Your honor, paulit-ulit na lang siya.”

Sumabat naman si Jhong at may pakiusap. Aniya, “Ah Redd, puwede bang diretsuhin mo na kami. Ano ba talaga 'yung gusto mo sabihin?”

Hirit na naman ni Vice, “E, kasi Parang kino-coach lang nung attorney, parang kilala ko pa nga 'yung abogado sa likod niya. 'Di ba tell us, kung papaano ka nung bata ka, my God!”

Sinubukan uli ni Redd, ngunit sa pagkakataon na ito ay pumiyok ang boses niya at nagtawanan uli ang lahat ng nasa studio.

Hirit ng Unkabogable Star, “Your honor, 'di ba makikita nagsisinungaling talaga siya, pumipiyok siya! Siya talaga ang kumuha ng itlog! Hindi totoo sa piggery siya, sa poultry siya galing.”

RELATED CONTENT: Kapuso stars na bumisita at nakisaya sa 'It's Showtime'

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.