expecially for you on its showtime
Source: @itsShowtimeNa, @articulateboy X
TV

Kulitan ng guests at hosts sa 'EXpecially For You,' kinaaliwan ng netizens

By Kristine Kang
Komento ng netizens, nilaro lang ng mga guest at host ang 'ÉXpecially For You.' Alamin ang buong kuwento, dito.

Usap-usapan online ang mga kaganapan sa fun-tanghalian ng It's Showtime noong Huwebes, April 25.

Sa patok na segment na "EXpecially For You," maraming natuwa sa mga kulitan at banters ng mga host na sina Vice Ganda, Kim Chiu, Vhong Navarro, at Jhong Hilario. Dumagdag din ang tawanan sa segment nang nakisakay sa kulitan ang searcher na si Ralph, ex na si Jannah, at mga magagandang searchees na sina Querubin, Justin, at Eunice.

Isa sa mga pinag-usapan ng fans ang searchee number two na si Justin. Sa sobrang nerbiyos niya kasi magsalita sa introductions, napa-take two pa siya sa kaniyang spill. Dahil sobrang kulit din niya, madalas tuloy nakikisali siya sa banters ng mga host, lalo na kay Vice.

Maliban sa fun energy ng segment, marami rin ang nagandahan kay Janna at ang napiling searchee na si Eunice. Nag-trending online ang mga post ng netizens, na sinasabing kamukha ni Jannah ang Korean star na si Bae Suzy sa isang K-drama. Meron rin nagkumpara ng itsura ni Eunice sa isa pang Korean actress na si Kim Ji Won.

Ang searcher na si Ralph pinagusapan ng mga online viewers bilang greenest flag ever sa segment. Maliban sa kaniyang personality, marami rin ang na-gwapuhan sa kaniya. Umabot pa ang netizen na magtanong online kung ano ang mga social media accounts ng searcher.

Ang naturang episode ay nag-trend sa X (dating Twitter), bilang hashtag #EXpeciallyForYou at #ShowtimeCheckNaCheck. Umabot rin ng almost 20 thousand views ang mga highlight videos ng segment sa GMA YouTube channel.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado sa oras na 12 noon sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Balikan ang isa sa mga nakakatawang moments ng 'EXpecially For You' dito:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.