
Labis ang tuwa nina Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista at John Rex na makasama sa bigating hurado ng “Tawag ng Tanghalan Kids” grand finals sa It's Showtime.
Noong Sabado (April 20), nasaksihan ng lahat ang mga bigating performances ng mga finalists na sina Kim Hewitt, Dylan Genicera, Aliyah Quijoy, Thirdy Corpuz, Shawn Hendrix Agustin, Diane Grace Duran, Neithan Perez, at Clet Nicole Fiegalan.
Hindi lang ang audience ang napahanga sa kanilang talento, kung hindi pati na rin ang mga hurado.
Sa panayam kasama ang GMANetwork.com, binahagi nina Christian at John ang kanilang pasasalamat na makasama sa engrandeng finals ng kompetisyon.
Sabi ni Christian, "So nice to hear wonderful talent from so many young people. Next generation is getting ready. (At) na-wi-witness namin ang kanilang pagalingan and I'm so excited for their growth."
Kaparehas sa sagot ng Kapuso balladeer, natuwa rin si John Rex na makita ang talented young singers on-stage.
"I'm honored to be here kasi ang sobrang gagaling ng mga bata. Tulad ng mga sinasabi ng hurado natin, 'yung generation ngayon ng mga singers is in good hands. Sobrang galing nilang lahat.”
Nang tinanong sila kung ano pang ganap sa show ang gusto nila salihan, sinagot ni Christian, "Sa mga performances sa opening at kung merong TNT kids ulit, that will be wonderful for me to again witness the next generation of singers."
Sinabi naman ni John, "Why not? Gusto ko rin syempre mag-perform para sa madlang Kapuso, sa lahat sa mga manonood."
Kasama ng dalawang Kapuso stars ang mga iba pang hurado na sina Katrina Velarde, Roselle Nava, Elha Nympha, 6cyclemind's Tutti Caringal, Jamie Rivera, Jason Dy, Frenchie Dy, at Mr. Pure Energy Gary Valenciano.
Sa final score na 96.7 percent, itinanghal ang Dumaguete singer na si Kim Hewitt bilang grand champion. Samantala, pinanalo rin nila sina Dylan Genicera at Aliyah Quijoy bilang second at third placer.
Related gallery: 'Tawag ng Tanghalan Kids' Season 2 grand finale highlights