Anne Curtis's sabaw moments sa 'It's Showtime,' patok sa viewers at netizens
We feel you Pambansang Dyosa, Monday kasi!
Napatawa na naman ang maraming viewers sa bagong 'sabaw' moment ni Anne Curtis sa hit segment na 'EXpecially for You' sa It's Showtime.
Tila may hangover pa si Anne Curtis sa grand wedding ng kaibigan na si Angelica Panganiban sa businessman na si Gregg Homan na idinaos sa Siargao noong April 19.
Ang beach wedding sa Siargao ang second wedding na ng Homan couple. Una silang ikinasal noong December 2023 sa California.
Sa 'EXpecially for You' nahirapan ang misis ni Erwan Heussaff sa kaniyang intro nang sabihin, 'Umalisan ang isa [pause].'”
Hindi napigilan ni Vhong Navarro na mapa-comment: "Ha!?"
Sunod na paliwanag ni Anne, “Ginagaya ko lang si Sis [pertaining to Vice Ganda]. Ginagaya ko lang siya, 'di ba parang erer tayo. Umalis ang isa...”
Banat naman ni Vice Ganda tungkol sa kaibigan, “Nahampas ng surfboard siguro 'to sa ulo kaya ganiyan.”
Sinubukan uli ni Anne Curtis na sabihin ang kanyang intro spiel, “Umalis ang isa nang hindi man lang nagpaalam ngayon [*nabulol....laughs].”
Natatawang hirit uli ni Vhong, “Sino ba nakasama mo sa Siargao? Bakit nabubulol ka na naman?”
Sinegundahan naman ito ng pang-aasar ni Meme Vice na: “Ako po si Vice Ganda at naniniwala po ako sa kasabihang 'Pag galing Siargao, sabaw.”
RELATED CONTENT: BEACH WEDDING OF CELEBRITIES