
Ipinakita ni Anne Curtis ang kanyang bagong look sa recent episode ng It's Showtime.
Related content: The many looks of Anne Curtis that proves her beauty is timeless
Matatandaan na ipinakita ng actress-television host ang kanyang long blonde hair sa nasabing programa noong Lunes at namangha sa kanya ang mga manonood at hosts.
“Si Anne ba 'to? Di ko namukhaan. Akala ko foreigner na Hollywood star,” ani Vhong Navarro.
“Wala, ako lang 'to guys,” sabi ni Anne.
Dagdag pa niya, “Iba kasi 'yung grand final week na ng TNT [Tawag ng Tanghalan]. So dapat everyday, boogsh tayo.”
Bukod dito, ibinahagi rin ng Filipina-Australian beauty ang kanyang look sa Instagram.
“Atomic blonde,” sulat niya sa caption.
Sa comments section, maraming netizens at celebrities ang namangha sa blonde hairstyle ni Anne gaya nina Jasmine Curtis-Smith, Zeinab Harake, Vicki Belo, at Bryan Boy.
PHOTO COURTESY: annecurtissmith (IG)
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m., at tuwing Sabado sa oras na 12 noon sa GTV.