Bago sinakop ng mga dayuhan ang Pilipinas ay may maunlad nang pamumuhay, kultura at paniniwala ang ating mga ninuno. Sila rin ay naniniwala na kay Laon, sa mga umalagad, sa mga busaw na nakatira sa ilalim ng lupa, at sa mga diwata. Ang mga diwatang ito, gaya ng ating mga ninuno, ay nakatira sa ibabaw ng lupa at nakikisalamuha sa mga tao.
Isa sa mga diwatang ito ay si Ynaguiginid, ang diwata ng digmaan na humalili kay Malanduk. Siya ay umibig sa isang magiting na mandirigmang si Hangaway at sila ay binayaan ng isang anak.
Ngunit ang kanilang matahimik na pamumuhay ay gagambalain sa pagdating ng mga dayuhan! Sila ay sinakop at ang kanilang banwa (chargen: pamayanan) ay winasak!
Dahil dito kaya si Ynaguiginid ay humawak muli ng kanyang mga sandata at lumaban! Ngunit ang kanyang anak ay mapapahamak at ito ay kanyang ililigtas kapalit ng kanyang buhay. Dahil ito kaya ang kanyang sanggol ay mawawalan ng magulang.
Ngunit ang bata ay matatagpuan ng isang katutubo at ito ay kukupkupin nila ng kanyang asawa. Ang sanggol na ito, na anak ng isang mandirigma at diwata, ay papangalaan nilang Indio.
Si Malaya ay lalaki sa panahong ang buong lupain ay pinaghati-hati na bilang mga encomienda ng mga dayuhang dito ay namamahala. Siya ay mapapasakamay ng mga dayuhan at ihihiwalay sa kanyang mga kinalakihang mga magulang. Si Malaya ay lalaki sa pag-aaruga ng mga dayuhan na magbabansag sa kanya bilang isang INDIO!
Si Indio na makakasaksi sa kaapihan ng kanyang mga kadugo sa kamay ng mga dayo. Si Indio na iibig rin sa isang babae na may dugong dayo ngunit may puso ng inang katutubo (Esperanza). Ngayong Enero 14, saksihan ang buhay, pag-ibig at pakikipaglaban ni INDIO.