Kyline Alcantara and Therese Malvar downplay possible rivalry in Inagaw Na Bituin
Hindi pa man sila nagkakaeksena sa ngayon, may usapan na raw sina Kyline Alcantara at Therese Malvar na huwag pangunahan ng pag-aalangan pagdating sa confrontation scenes sa Inagaw Na Bituin.
“Ang napansin ko po talaga sa ating mga Pinoy ay gusto nila 'yung tunay.
“So, I told Therese, 'Gawin mo kung ano ang gusto mo. You have my consent na totohanin,'” sabi ng 16-year-old na si Kyline nang makausap siya ng GMANetwork.com at iba pang entertainment reporters sa media conference ng Inagaw Na Bituin kamakailan.
Dagdag pa niya, “Nagkontrabida na po ako before, kinakausap ko talaga yung co-artist ko kung puwede ko bang totohanin because that's what they want.
“Gusto nila na parang tusok talaga sa kanila yung sampalan, tusok talaga sa kanila yung sabunutan.
“Kaya yeah, puwede niyang totohanin.”
WATCH: Kyline Alcantara and Therese Malvar's acting challenge
Sa parte naman ng 18-year-old na si Therese, naniniwala siya na pareho sila ni Kyline na gagawin ang pinakanakabubuti para sa kanilang bagong teleserye.
Sinisiguro rin niya na walang sapawan na magaganap sa pagitan nilang dalawa.
Aniya, “I'll do my best in each scene 'cause I know that they will do their best as well.
“And yun nga po, hindi kami nanlalamon ng ibang artista sa bawat eksena.
“Kasi kung ganun, magiging sapawan, and kung ganun wala po kaming chemistry sa isa't isa. It's a collaboration.
“Sobrang sarap ng vibe sa set because they love what they do and sobrang hands-on sila--hindi lang sa pagme-memorize ng linya, hindi lang mababaw ang pag-intindi nila sa show.
“Because of that, we're willing to teach each other. It's a learning process for all of us.”
Dagdag na rin ni Therese, “We love what we do and I think walang mamamagitan sa aming masama kasi we're both genuine with our love and sincerity with this project.
“Walang hiritan, walang competition na unhealthy.”
READ: Therese Malvar gets biggest TV break via 'Inagaw na Bituin'
Pagdating naman sa fans, naniniwala ang parehong teen actresses na hindi pepersonalin ng kani-kanilang fans kung sakaling magkaroon sila ng matitinding eksena sa Inagaw Na Bituin.
Sabi ni Therese, “Basta mababait naman ang fans ni Kyline and fans ko rin po. Thankfully, hindi ko rin naman po ine-expect na they would bash in any way because they love their idols and they will not do harm unless may nangyari.
“Rest assured naman po, feeling ko rin naman po, walang mangyayari. If mayroon man, siguro dahil na rin po sa characters namin.”
IN PHOTOS: Stars ng 'Inagaw Na Bituin,' nagningning sa kanilang media conference
Sa ngayon, gusto raw muna nina Kyline at Therese na mapabuti ang relasyon nilang dalawa bilang magkatrabaho.
Wala raw kasi silang pagkakataon na maging malapit sa isa't isa nang una silang magsama sa indie film na Hamog.
Ani Kyline, “Outside the set, yun po ang wino-workout namin, na magkaroon ng natural connection.”
Sabi naman ni Therese, “Wala pa kaming eksena together and hindi pa kami nag-bonding masyado kasi nga iba yung story namin sa Hamog.
“So right now, we're still in the getting-to-know stage, but we're comfortable.”